Saturday, September 28, 2013

2013 the year the philippines conquered the world


Finally, the ever illusive Miss World Crown. Grabe naluha talaga ako sa tuwa, hindi ako makapaniwala! Megan Young isa kang alamat! We truly deserve the crown. Finally really! Nakakataba ng puso!

Miss World 2013 Special Contests and Awards:

3rd runner up: Multimedia award
Winner Miss World 2013 top model
4rth runner up: Beach fashion
Miss Asia and Oceania

Thursday, September 19, 2013

the gathering

Natutuwa naman ako sobra. Ngayon lang ako nakahanap ulit ng mga kalaro sa Magic The Gathering. Ever since nagstart ang training ay madalas nakong nagdadala ng mga card decks. During breaks or while waiting for the trainer ay wala akong ginawa kung hindi makipaglaro ng Magic.
Grabe this is like soo cool. May mga naeeganyo naring matuto at maglaro.
Cool shit! 
From time to time ay dumarayo pa ako ng ibang lugar para mamili ng Magic cards. I love Magic the gathering forever!
Stormfront Pegasus. One of my most favorite common cards. I'm in love with the artwork!

Monday, September 16, 2013

the quarters

Two days before mag start ng training ay may namatay sa female sleeping quarters sa third floor.
At kung papaano natuklasang patay na ang nasabing empleyado ay wala na akong idea sa detalye. Basta kinilabutan lang ako.
Totoo ito at kinon-firm ng aking trainor.

More than one month passed after an incident na may namatay sa sleeping quarters. During training ay naisipan kong umidlip sa male quarters katabi ang nasabing
female sleeping quarters. Third floor rin kasi ang training room namin kaya isang thumbling lang. Tumakas ako sa training ng dalawang oras dahil sa matinding hilo dulot ng matinding hang-over. It was after
ng lunch break ako umidlip. Konti na lang ang available na kama at napagdesisyunan kong pumwesto sa itaas ng double deck. 

Sa aking pag idlip ay paulit-ulit akong nananaginip at naalimpungatan. Nananaginip ako na nahuhulog ang bedfoam ng hinihigaan
ko. Parang may humihigop dito. At parang may slight panic ako. Mababaw ang tulog ko na umabot ng dalawang oras.

Bumalik ako sa training room ng maga ang mata. Chempong busy ay may ginagawa ang trainor at hindi ako napansin. Salamat narin ant 40 
plus kami sa klase. Kwenento ko ang napanaginipan ko sa akong seatmate/closefriend na graduate ng nursing.

" dulot yan ng sobrang pagod, may tendency talaga na bangungutin. "
" Yan kasi inom pa. " 

Marami paring tumatangkilik sa sleeping quarters ng babae na parang walang nangyari. Anong kama kaya doon. I wonder.

Sunday, September 15, 2013

all star

Ngayon lang ako nag training na may mga kasamang celebrities. I mean they are not that famous or literal na naging sikat but still they are celebrities. One is a member of an Ex boyband at ang isa anging member ng isang reality show. We are 45 in class the largest that I've ever encountered. It's true like I've watched in the movies. Popular and good looking people tend to group up and click automatically. Proudly ay kabilang ako sa grupong ito that I've labeled " Mean Girls and Boys ". I never intend to be a part of their group since I never thought that I don't belong. All we do is bully and look down at others and of course be snob. Well since I am a member I have to do my part that is Maging bully na rin although mild lang. Well medyo may pagkamasama naman talaga ugali ko to begin with. Ang Masasabi ko lang na highly intimidating ang grupo namin and anyone who tries to enter na hindi qualified ay binigigyan ng cold treatment or bunu-bully. Paminsan sa sobrang wala na kaming ma bully ay binubully narin namin ang isat-isa.

This is a once in a lifetime experience and I am truly enjoying it.
So this is what it feels like to be on top, So this is what it feels like to finally fit in.

Saturday, September 7, 2013

philippines bags miss supranational 2013

Ang aking paboritong Si Mutya Datul! Tinalo lang naman nya ang 80 contestants from all over the world. I'm so speechless pakiramdam ko ako ang nanalo! Dinagsa ako ng mga mensahe sa fb dahil sa pagkapanalo ng aking pambato na si Mutya Datul. Huli ko na kasing nalaman haha.