Showing posts with label be kind to animals. Show all posts
Showing posts with label be kind to animals. Show all posts

Tuesday, March 18, 2014

Friday, February 14, 2014

project duck



After more than 5 months or so I have successfully raised them duckies. Unfortunately they ended up sa tummy. These Itik are tasty. It's getting messy and stinky sa backyard. Started with 5. Three reached adulthood.  Project successful. The three survivors were all male.
Grwing up ay madalas akong nagaalaga ng itik, but they always end up being eaten buy cats or rats kaya naman I am happy that majority reached adulhood.

As ducklings: Black color remains black until adulthood. lightbrownish to rich brownish. Yellow turns to white. 

Wednesday, December 18, 2013

manila ocean park











Maganda, pero kailangan pang i-improve ng kaunti para maging world class.

Monday, October 28, 2013

a fairytale

Prep ako noon nung ma-In love sa " The Ugly Duckling ". Naging paborito ko itong fairytale at labis akong na-In love sa illustration at sa istorya nito.  I can still remember na ang Swan ang pinaka una kong pinag aralang iguhit hangang ma memorize ko ito. At least close enough sa actual nitong ilustration. I was very little then. Although I never really feel that I was ugly then. Maliit palang ako ay mahilig nako sa mga magagandang bagay. Kaya naman nabighani ako ng gansa at a very young age.

This might explain why I love beauty pageants so much.

Saturday, July 13, 2013

kendra and the golden bibe



Hindi lang naman ako puros kasamaan at bitterness, I also love animals. In fairness dumayo pa ako sa Arangque. I really did take my time in selecting kung sino ang papasok sa top 5. I want them to be really unique from one another.
July 11, 2013. Ano kaya hitsura nila after a year. Quack! Quack!

Wednesday, April 17, 2013

water therapy

Nasa Bicol ang Family ko for vacation. Syempre kailangan may matira sa bahay which is ako at ang family ni utol. Solong-solo ko ang buong second floor hehe.

Skype Conversation:

Erpats: Anak yung aso pinapakain mo ba?
Me: Ay oo nga pala, Hala nakalimutan ko, lagi kasi ako wala dito sa bahay.
Erpats: Aaannoooo?????
Me: Okay lang yun, kailangan niyang mag diet, hang taba, obese na baka ma heart attack. B

Relatives listening laughing at the background*

Erpats: Anak naku, hindi pinag dada-yet ang aso.
Me: Haha joke lang. Binibigyan ko ng maraming tubig pero konti lang sa  food, dinadiet ko nga ang lusog kasi nakakatakot.

Erpats: Tsk tsk naku anak hindi dina diet ang aso.
Me: Haha joke lang. Ito naman. Pwede ba namang hindi ko yun pakainin.

Lakas kong mag trip dina sila nasanay haha.

Thursday, February 28, 2013

malas at bawal na bawal pumatay ng pusa

12:00 ng tanghali out ko sa work, lang hiya, hang enet powtek. Naka formal ware pa ako, mandataory, prom night kuno ng account namin. Di naman ako nag-enjoy, yung mga superiors lang, habang kayod kalabaw kaming mga agents sa walang hintong calls, ni lunok ng kape imposible. Habang nag ko-kolls pa ay may nag vivideoke pa sa back ground, prom na prom, videoke? Hagang 13 nalang ako at mag aawol nako. Ayoko na. Paubutin ko lang ng sunod na sweldo. Pauwi ay nag book hunting ako sa Cubao. Booksale at National bookstore ako nag-hunting. Mahal sa National kaya naman katulad ng nakagawian ay nakahanap ako ng sa Booksale. Pag-uwi ko jan sa may Baranka may tatlong Jeep na nag salpukan, yung isa wasak, yung dalawa nadamay lang. Grabe katakot, kung napaaga lang ako ng uwi ay baka nasakyan ko yung isa sa tatlo. Kalurkey. At jan naman sa kanto namin ay may napansin akong bayong. Ang laman. Tatlong patay na full grown na pusa. Malamang nilason. Grabe, napaka heartless ng gumawa nun'. Halata namang nilason.


Bihira lang kaming mag-away ni Itay, at isa pa sa mga naging sanhi ng pagaaway namin dati ay ang pagpatay niya sa dalawang pusa sa loob ng bahay namin gamit ang isang pat-pat. Dayo lang kasi ang mga pusang yun at nawili sa pagtangay ng ulam namin. Sigawan talaga kami ni pudra. I do not tolerate animal killing. Sobrang mali yun friend.

If you can't tolerate our furry friends there's many of ways of humanely disposing them.
Definitely not by killing them!!! Okay?

Saturday, December 8, 2012

most exotic


Ang pinaka-exotic na animal na inilagaan ng pamilya namin ay ang Chicken Hawk. Malaki na ng ibinigay sa amin ng tito ko ang ibon. Ilang buwan rin nagtagal sa amin ang hawk na yun. Isang araw bigla na lang nawala. Naririnig namin ang iyak niya sa bahay ng kapitbahay namin ngunit hindi na namin kinuha. Sapagkat ang may ari ng bahay nayun ay may negosyong petshop. Ilang buwan pa at hindi na namin narinig ang iyak niya. High mentenance mag-alaga ng Chicken hawk. Ako lang ang nakakahipo sa kaniya lahat sila ay takot matuka.

Ahas- siya ang naging pinaka exotic kong naging alaga. Britney pinangalan ko sa kanya, although hindi ako sure kung babae siya. Water snake siya na parang Python. Nakilala na siya ng personal ng isa sa mga blogger and a close friend of mine Souljacker. Pinakawalan ko siya sa Marikina River after ilang months. Nangayayat kasi at puros buhay na kataba lang ang diet niya. ( actual picture niya at kamay ko yung nasa picture ).

Samantalang Iguana naman ang sa kapatid kong lalake noong hayskul pa siya. Tinubuan ng higanteng bukol ang kawawang iguana tapos napabayaan hangang mawala nalang or diko sure kung na tegi yung butiki.

Tuesday, September 18, 2012

cat man

Bago pa niya magsimulang sirain  ang mga valuable possessions ko, such as clothes ay  hinuli ko na siya. Nope I didnt kill the creature. Tinapon ko lang siya sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin, let nature take its place. Hindi ko kayang pumatay ng daga noh, excuse me. Animal lover ako pero sorry kasi nasa territoryo ko siya.

But bago ko siya tuluyang itapon sa bakod ay umagaw sakin ang isang huni ng ibon. Paglingon ko ay sabay talon ng itim na pusa na laging tumatambay sa bakuran namin, Sabay sakmal sa ibon na sigurado akong hindi Sparrow, medyo mahaba ang buntot ng ibon at hindi niya kasukat ang normal na Maya bird, hindi ko lang sure ang kulay.Madilim na eh Sana lang nakunan ko ng picture. It was too quick anyways. I like That male cat if I could just only talk to him and ask him if he could be my pet. To guard our house of unwanted rodents. But unfortunately my father hates cats to death. Kasi lagi kaming inuunahan sa ulam.

Monday, June 18, 2012

cruelty


"Love and respect animals as you love and respect other people. We are all created equal."-me
I don't really understand treat animals this way. Para sa akin ay sila ang asal hayop! Sila ang mga tunay na ani-Mal. As more intelligent beings, we should always undertand, protect and love animals.


***

Kamusta naman training? Eto ayus naman. New set of co-leagues. I'll do my very best to pass. Hopefully ay magustuhan ko yung account. Sana eto na.

***
June 25, 2012
Meron akong ka-fling ngayon. Tago na lang natin siya sa pangalang Yuki. Nakilala ko siya noong June 6. At ngayong araw na ito ay huminto na siyang magparamdam. Kasalanan ko rin, hindi ko siya masyadong binigyan ng importansiya, wala akong time at wala rin naman akong masyadong nararamdaman sa kanya.

Oh, well thank you for being sweet and I hope to see you again sometime. At least we tried. Maybe we could be friends someday? Walang naganap na sex only sweet kisses.

Friday, May 18, 2012

goatee

Nagulat nalang ako ng biglaan kong makita itong kambing nato sa aming garden. Regalo siya kay Erpats ng mayaman kong tito from the province. Nagpanic naman si Ermats at baka ubusin ang mga pananim niyang halaman. Lalong lalo na ang mga Orchids. Masyadong mailap tong kambing nato. Nakaka-orkot lapitan dahil nang kunan ko ng picture kanina ay bigla nalang nagtatakto. Naawa naman ako dahil halos masakal sa tali katatakbo ang kambing. Ibebenta daw siya ni Erpats dahil walang mag-aalaga.

Wala nakong masulat haha!

Sunday, October 2, 2011

xhou

Fighting fish yung may bilog. Lumaki ako na addict sa mga hayop, 29 years of existence ay naalagaan ko na ata lahat ng hayop na domisticated at yung iba hindi, katulad ng ahas. Mula sa itik, manok, pato, pabo, daga...
Ngunit ang pinakamalupit ay ang chicken hawk at ahas. Nagkaroon narin ako ng fishpond noong grade 4. Adventurous rin kami ni utol nung bata pa kami ay nanghuli kami ng alupihan at sinubukan naming alagaan, nahuli kami ni uncle noon, humagalpak si uncle sa katatawa ng makitang nasa fishbowl ang pobreng alupihan (centipede, poisonous), habang nagkukumahog lumangoy ang alupihan ay hinihipan ni utol ito gamit ang isang straw ng sofdrinks, Para daw may Oxygen ito ang wika ni utol kay uncle.

Sa kasalukuyan ay ito ang mga pets namin:

2 Aso
4 lovebirds
1 Carp ( in my room )
5 fighting fish ( in my room all in separate containers )
2 guinea pig ( in my room )
2 common land turtle ( pagala-gala sa garden )
2-3 Mga pusa ng kapitbahay namin na laging tumatangay ng ulam.

Monday, May 30, 2011

kitty cat

Way back 2009 ( This picture taken from my old blog )
Nilibre ko ang kapatid at pinsan ko, nanood kami ng sine, kumain at uminom afterwards. Nabutas ang bulsa ko ang sakit.

Earlier that day may bibilhin ang pinsan ko at kapatid so nag suggest ako na iwan nalang nila ako sa Arcade upang laruin ang aking all time favorite game na " Street fighter zero third strike " ( haba ng title). Pagkatapos mamaga ng fingers ko kapipindot ay napansin ko ang malaking arcade machine, out of curiosity ay nilapitan ko ito, itong machine na ito ang pinakamalaki sa Arcade na iyon, i-novserbahan ko ang nature ng game. Laking dismaya ko ng matuklasan kong Hunting game pala ito. Sa instructions ng game ay dine-demonstrate kung paano wastong barilin sa ulo at sa iba pang crucial parts ang mga Animals. Tampok sa game na ito, na ilan sa ha-huntingin sa game ang, Grizzly bear, Black bear, Deer, Jaguar etc. Ang eksena ay simple lang, babarilin lang ang inosenteng hayop hangang mamatay, kailangan ay maasinta mo ito at mapuruhan habang nagpupumiglas, animal torture to the max.

This is the most unjustifiable game for me, kung pwede ko lang hampasin ng baseball bat yung machine na yun ay ginawa ko na, this game promotes animal cruelty, sobrang bad influence nito sa mga maliliit na bata na Imbis na mahalin ang mga hayop ay sa halip maging violente sila sa mga ito. We should co-exist with all living things in this planet, hindi paba tayo nakuntento sa pagsira natin sa ating environment? Hindi paba tayo nakuntento na tayo ang sanhi ng Global warming?
Eh kung yung mga gumawa nitong computer game na to' ang pagbabarilin ko sa ulo at pagtatadyakan ko ang mga bayag nila. Mas masahol pa sa pinaka-mababang uri ng hayop ang mga gumawa ng game nato ito. Wew, naginit talaga ulo ko!

Growing up loving all sorts of animals has affected me upon discovering this game.
It is UNFAIR. Animals are more human than some of us, they don't deserve to be promoted this way.
F*CK THESE PEOPLE! Ma experience sana nila ang mga nararanasan ng mga hayop na nilalapastangan nila. Sila ang mga tunay na hayop! Tayong mga tao ay nakakapag-Rason ang mga hayop hindi. Leave those Animals alone! We should be the ones protecting them!

* Na-iimagine ko ang sarili ko na nakasuot ng Pink Bunny Suite, habang walang humpay kong hinahampas ng baseball bat ang machine nato'. Hayop talaga.

Today:
Laking dismaya ko ng itampok sa isang report program ang mga naglalabasan " Crash Videos" Maski naka blur ito ay hindi ko kinaya ang mga eksena agaran kong nilipat agad ang channel. Buti nalang at naka blur kasi pagnakita ko yung mukha ng babae sa video na gumagawa ng kahayupan sa mga hayop ay susundutin ko ng kinakalawang na stick ang p**-**k niya.This is hopeless, those tiny animals don't deserve this ending.
At sana lang ay wag itapon ang mga kittens sa gilid ng highway, lagi akong nakakakita nito, puwede namang sa bakanteng lote or sa mga lugar na malayo sa disgrasiya, give them at least 50% chance to live, hindi totoo na 9 ang buhay nila. They might survive at all.

Wednesday, June 9, 2010

pointer

Isang mainit na tanghali noong December 2009 ay isinama ako at ang aking tiyahin ng aking Ina sa Recto. Upang mamili ng kanyang mga paninda. Business kasi ni Inay ang mag-lako ng silver. Kaya ako pumayag sumama ay dahil mamimili rin ako ng DVD cd's at tsinelas.

Iniwanan ko ang aking tiyahin at ina sa tindahan ng silver. Inaabot rin kasi ng ilang oras ang pag-pili ng mga ipaninindang silver. Habang ako ay naglalakad papunta sa mga bilihan ng mga DVD ay napansin ko na nagkukumpulan ang mga tao sa isang bahagi ng bangketa. Lumapit ako at umusisa. Mga tuta pala ang pinagkakaguluhan nila. Magaganda ang mga tuta at halatang half-breed. Matagal ko ng binabalak magkaroon ng sariling aso."Magkano po isa manong?"- ang tanong ko. "350 lang!".
Gusto ko ng bumili kaso nagdalawang isip ako. Naglakad ako palayo upang mag-isip. Mga ilang minuto ay bumalik. Inusisa ko isa-isa ang mga tuta. Lalake ang hanap ko, kasi babae na ang aso namin. Ngunit sa dinamidami nito ay iisa lang ang lalaki, ito pa yung pinaka hindi ko gusto, dahil mukha talaga itong ordinaryong aso sa lansangan ( eh di sana nanghingi nalang ako ). Sa kagustuhan ko ng lalaking aso at dahil hindi ako nandidiscriminate ng hayop, ay binuhat ko ito, at binayaran. "Thank you ha!" ang wika ni Manong.

Pag-balik ko sa tindahan ng silver ay wala ang tiyahin ko at Nanay. Umupo ako sa upuan sa labas habang hinihintay sila. Nilapag ko ang tuta sa sahig ng panandalian. Baka kasi nalalamog na. Maya-maya ay sumuka ito, at dumumi, Nataranta ako dahil sa mismong pintuan ito ng Shop Dumumi. Naawa sakin ang isang tindera ng damit sa harap ng Jewelry shop at binigyan ako ng Newspaper at ilang plastic bag. Nalagpasan ko naman ang trahediya.

Misteryo sa amin ang lahi ng aso. Hindi namin alam kung anong half-half siya.
Habang lumalaki siya ay patuloy parin ang kuro-kuro namin sa lahi niya. Lahat na ng lahi ng aso ay nabintang na namin sa kaniya. Lahat kasi ng nakakakita sa kaniya ay pinipintasan siya. "Panget daw siya"

From December 2009, ngayon ay June 2010 na. Anim na buwan na ang nakakalipas.
Patuloy paring pinipintasan ng kung sino sino ang aso ko.

Hangang noong isang araw, bumisita ang isang kabarkada ni utol at nakita ang aso ko.

Kahapon:
Utol: Hoy! Alam ko na ang lahi ng aso mo! Malamang ay halg siya ng....
Ako: Gago! Sinong niloloko mo! Hindot!
Utol: Halika tingnan mo ito.
*Ipinakita niya sakin ang isang larawan ng aso sa phone niya.
Utol: Pointer dog ang aso mo Tanga!

WIKIPEDIA:
The Pointer should be athletic and graceful. The immediate impression should be of a compact, hard-driving hunting dog, alert and "ready to let go." The primary distinguishing features of this breed are the head, feet, and tail. Hound or terrier characteristics are undesirable for show purposes.

Kaya pala hindi siya cute/maganda sa marami. Hindi pala siya pang show-dog.
Maski na ano pa ang panlalait na inaabot ng aso ko, at hindi daw siya cute/maganda ayon sa kanila.
Ang sa akin lang: Hindi talaga siya cute kasi GORGEOUS siya. Mana sa amo!

Halimbawa ng pointer dog: