Monday, October 29, 2012

kikay kit



Eto ang mga laman ng kikay kit ko:
1. Pocket Mirror. Since 2006 pa sakin yan.
2. Extraderm age defying eyecream ( para sa eyebags )
3. Menthol inhaler galing Thailand. Pang-adik mode ko
4. Careline eyebags concealer with t3 oil para narin sa pimples.
5. Cherry falvored Chopstick. Natangal na yung label haha.
6. Para sa earwax
7. All around concealer. Para sa pimples na biglaan ang pagsulpot ( eto pinaka importante sa lahat )
8. Watson's Cherry lip balm. Para sa deep red effect.
9. Nailcutter
10. Gumtect toothpaste ( Sobrang ok tong toothpaste nato. Mura pa )
11. Mini Mouthwash
*Pag nasa gimmick ako ay lagi kong dala si #7, #5 or #6. Pag may space pa ang bulsa ay kasali narin si #1.
Basta si #7 ang importante sa lahat.

Picture 2: At dahil mahilig ako sa colonge, pabango at anu mang mura ayan pinakyaw ko. Good for three years nayan. Desire ng watsons men ( red boxes ), bumili nako ng anim kasi mapephase out nasya. purchased these things 4 months ago.

Saturday, October 27, 2012

motor

A long time ago..


11:00 pm, nag konvoy ang mga kamag-anak ko gamit ang kanilang mga motor

Tinahak nila ang zigzag. pangalawa ang huli ang sinasakyang motor ni Tita F.

sakay ang panganay niyang anak na dalaga at ang bunso na grade 2 pa lamang.

Angkas naman ng huling motor ang nanay ko na salukuyang nagbabakasyon nun.


Ng biglang bumulusok at tumama sa malaking bato ang motor na sinasakyan ni tita F at ng mga pinsan ko.


Tumigil ang sinasakyan na motor ng nanay ko, Inihagis ng nanay ko anfg helmet niya at nagsisisgaw ng

Kapatid ko! Kapatid ko!

Nakita nilang gumagapang ang bunsong anak ni tita papa-akyat ng nbangin at duguan ang bibig.


Sumunod ang panganay kong pinsan na nagtamo ng malaking bukol lamang.


Samantalang nadaganan ng motor ang aking tita.


Bago mangyari ito ay nagkaroon ako ng series of bad dreams about ngipin.

Friday, October 26, 2012

gone with the wind

Kasalanan ba ang humingi ng isang himala....(RiverMaya)

Nakakadismaya, Hindi pumasok sa ATM ko ang huling suweldo ko sa aking last company na chinuk-chak.Nang malaman ko na imposibleng makuha ko ito ay gusto kong tumambling sa gitna ng highway na may mga rumaragasang trucks at motorista. Na-realize ko na kasalanan ko ang lahat. Nag-Awol ako, kasalanan ko na nasuka na ako sa trabaho ko, kasalanan ko na muntik nakong laging masuka tuwing pipindutin ang ready to make calls na button, na walang humpay na tatangap ng tawag sa mga lecheng bobong customer na talo pa ang mga handicap at no read no write.

Tuwing iisipin ko ang sweldong hindi natangap ay nakapagiimagine ako kung ano ang pwede kong magawa sa halagang yun'. "Wala na yun, di mona makukuha yun" Wika ni Utol na TL na sa company na yun. DEL ang account niya at 4 years na siya dun."Napaka gago ko daw ayon sa kaniya"

Wala nayun. Tinangay na ng hangin. Parang bangungot na totoo. Pera kasi yun'!

Thursday, October 25, 2012

spice and everything nice

Bata palang ako ay marami na akong kapilyuhan.
Isa na dito ay ang pag-dukot ko sa aking malalaking kulangot, mga kulangot na
aakalain mong balat ng natuyong sugat.

Bata palang ako ay hilig ko na talagang mangulangot, paborito kong dukutin yun mga kulangot na malalaki, matitigas at matindi ang kapit yung maski suminghot ako ng pam-palaglag ng bata ay di parin matitinag, yung kulangot na tipong pag dinukot mo eh, may matching buhok na yung tipong pag-dukot mo eh, maluluha ka. haha!

Tuwing mahuhuli kong natutulog ang aking utol ay ugali kong pahidan ng malalaking kulangot ang mga areas ng kanyang mukha (*Warning viewer decretion is advised, the following statements are not suitable for normal people* )

Hilig kong ipahid ang malalaki, matitigas at mababahong kulangot sa areas malapit sa kaniyang bibig nagmimistula itong nunal ni Lorna Tolentino, paminsan din depende sa hugis ay ipinapahid ko to sa gilid ng kaniyang mata, parang muta at pag malaki talaga ay idinidikit ko ito sa bangs niya. Tulog mantika si utol at maski na lagi ko siyang nililipstikan ng "Puta Red" at paminsan ay nilalagyan ko siya ng fake eye bags gamit ang black eye shadow.

Kaya naman nung last time na gawin ko ito ay binugbog ako ni utol na maski na dalawang taon ang tanda ko sa kaniya ay labis na malaki ang katawan niya sakin, gawa ng pag-gigym. akala sa bahay maoospital na ako gawa ng lakas ng pagkasapok sa backbone ko


pt 2

Andiyan na rin pag nagaaway kami ay nagbabatuhan kami ng kutsilyo.
Ang pinaka-malalang ginawa ko sa kaniya ay banlian siya ng mainit na tubig.
Mas matindi naman ang ka live in niya sa akin, na plinantsa siya sa likod. Deny pa silang dala, nahigaan daw yung plantsa. e kung mag-away sila kulang nalang referee.

Wednesday, October 24, 2012

ansabeh?

Alam mo yung pakiramdam na lahat ng pagmamahal na naramdaman mo at ipinaramdam mo sa mga ex mo dati ay naglaho na? Yung tipong hindi kana makapag-remenis sa nakalipas kasi nawala na ng tuluyan lahat ng nararamdaman mo sa kanila? Parang lahat ng masasayang alala ng mga ex mo ay kinuha narin sayo, pati yun, naglaho na.( Ang hirap mag-explain *Nosebleed ). At maski saan ka mag punta aware ka, na walang makakapalit/ makakatalo sa kanila maski na wala kanang nararamdaman sa kanila (weird.)
You are free but you feel trapped, you always feel cold and everything seems to be a dead end. Ang hirap maging bato, For the past couple of months, marami na akong nagustuhan or naging crush, pero yung pagkagusto ko sa kanila, hindi man lang nagtatagal ng isang oras, nawawala na agad. Baog (impotent), ata puso ko. Sino ba naman ako? Hindi nako marunong mag appreciate, maimpress, ano ba naman ito, sinumpa naba talaga ako?

Wala ng mas nakakadepress sa pakiramdam na ganito.
Wala kanang pakiramdam sa mga ex mo at di narin marunong tumibok ang puso mo.
Love have become impossible.
Walong buwan ko nang ini-imagine yung sarili ko na naka-bigti.

~ Fuck!

Nabasa ko kahapon sa isang newpaper na one week old na.
Puta! Pati pala si Manny Paquiao may scandal na. According sa newspaper na ito.
ay kuha ito gamit ang isang cellphone. Ang eksena: Nagbibihis si Manny at nakunan din
ang kaniyang pototoy. Shet talaga! Shet! Sana si Oscar De la hoya nalang ang nagka-scandal.

....Ang scandal nato' ay para sayo, para sayo~ 

Tuesday, October 23, 2012

missing in action

During my college days 8 years ago or so... P.e subject namin, since P.e subject lang ang isa sa mga subject na hindi ko na take 2 nung college ay masipag ko itong pinapasukan dahil puro fun and games lang. Hangang dumating ang ang time na Basketball na ang Sports. Two weeks or six meetings akong hindi pumasok. Hindi ko kasi masabi sa mga Classmates ko na hindi ako marunong mag basketball at alam kung pag pinasukan ko yun ay magmumuka akong katawa-tawa. Milagrong napasa ko yung P.e na ang grade ko ay..Tres. Dina masama. Na-imagine ko na kung may swimming lessons pa ay hindi talaga ako papasok, hello swimming trunks, hindi ko yun kaya! Pero marunong akong lumangoy. Nung bata pa kasi ako hindi ko pa ikinahihiya ang katawan ko.

Monday, October 22, 2012

tatlong pulang kabayo

Masasabi kong isa lang ang alam kong lugar na puntahan. Hindi ako mahilig mag mall o manood ng sine. I prefer to watch dvd sa bahay. Starlites bar lang ang alam kong lugar. Once or twice a week ako pumupunta dito magisa, bihira na may kasamang friend. Diko kasi ma predict kung anong araw ako totopakin pumunta dito kaya most of the time alanganing araw. Sa aking pagiisa  ay madyo marami na rin akong mga nakilala dito. Funny na wala pa akong nakakasex ni isa sa kanila for whatever my reason. Dito ako nagiisip mag isa- nagmumuni muni, dito ako lumalaklak ng alak magisa. Most of the time kausap ang sarili without making a sound. Dito sa lugar ako nagiisp nagplaplano. Wala narin akong pakialam sa mga waiter, sanay na silang mag-isa ako. Dito ko nililibang ang sarili ko sa panood ng mga kumakanta sa stage at sa panonood ng mga taong nagdidisco. Masaya naman ako lagi maski walang booking,  Pag naiinis ako sa sarili ko o sa mundo, pagna stressout ako or matinding boredom at dito ako nagpupuyat. Tanging companion ay ang tatlong bote ng pulang kabayo at isang platitong mani na libre. Hangang may Starlites hinding hindi ako hihinto na pumunta dito. Parte na sya ng buhay ko. Bumisita ako sa P1 kagabi at masasabi kong lubog na ito. Starlites na ang bagong Starship.

Tatlong pulang kabayo lang kasi ang maximum ko bago ako tuluyang malasing.

Wednesday, October 10, 2012

bright eyes

It was exactly the day of my birthday nang umalis kayong mag-ina sa bahay. Kasalanan kasi ng nanay mo. May severe attitude problem. Ayan napalayas tuloy siya at syempre tangay tangay ka.

I miss you my little pamangkin, Nagdala ka ng sobrang ligaya sa mga buhay namin. I know matatagalan pa bago ka makabalik ng bahay o baka tuluyan na kayong lumipat ng tahanan.

I miss you my tiny pamangkin. It's your birthday soon and I wish to be there. Uncle will always and forever be there for you.

I never did like kids. Pero ng dumating ka sa buhay ko, buhay namin ay nagbago ang pananaw ko. This big old house feels extremely empty without you.

I miss your big bright eyes that I always imitate to discipline you.

Sunday, October 7, 2012

magaling ka diba? alam mo lahat? ikaw na..

Nakakatawa nga naman ang mga tao. Lagi na lang sinisisi ang Presidente. Reklamo tayo ng reklamo, remind ko lang na tao rin lang ang presidente natin at hindi kung sino mang Diyos. Paminsan bat hindi natin subukang tingnan ang kakulangan natin bago tayo mag magaling-magmatalino at magbigay ng ating makasariling opinion- Hindi porque matalino kana ay tama na lahat ng opinion mo- Ang tunay na matalino malawak mag isip at hindi makitid. At least hindi corrupt o magnanakaw ang presidente natin ngayon. Kung mas magaling kapa sa kanya bakit hindi nalang ikaw ang mamuno. Ano ka ngayon.. Nga Nga!

Nakakasawa na ang mga nagmamagaling. Mga opiniong wala namang paki-alam ang mga tao- Makapagmagaling lang.

Saturday, October 6, 2012

i met meth

Pagkatapos naming ubusin ang alak at lahat ay may amats na. Ay inakala kong uwian na ng biglaang ilabas ang regalo.

Bilang birthday gift ay pinagbigyan ako ni best friend na ipatikim si Meth ( Shabu ).
Naabot ko ang langit at lahat ng kwento kay Mythical Meth ay totoo pala. Sa unang tatlong oras na high na high ako kay Meth ay ilang beses kong nasabi sa sarili ko na mauulit ito. After 3 hours of taking it ay may nangyaring masama. Naparalize ang buong katawan ko at namanhid hng husto ang abdomenal part at reproductive part ng katawan ko. Na trauma ako ng husto at sinabi ko sa sarili ko na eto na ang first at last time. During those moments ay wala akong bangit kung hindi si God.

"God I'm sorry hindi ko na ito uulitin"- Ang paulit ulit kong bangit at akala ko ay isusugod nako sa hospital.
Noong una ay akala ni Bestfriend na prank ko lang, ngunit kakaiba ang kurba ng mga kamay ko para maging prank ito, narelalize rin niya agad that it is serious gawa ng pag lock jaw ko at malalim na paghinga. Binubuklat rin niya ang mata kong tirik. It lasted for more than 20 minutes.

It was worth the experience, maski na hangang ngayon ay nanghihina parin ang katawan ko sa aftershock ay wala akong pagsisisi, I considered it as the best birthday gift ever.

Three days since that incident at nanghihina parin ang katawan ko. As of the moment ay pagod parin ang utak at katawan ko. Hindi bagay sa mga katulad kong sobrang payat ang Meth.

Alam ko na ang pakiramdam, hindi ko lang me gets kung bakit nakaka-addict ito sa ibang tao na paminsan ay nagiging  sanhi pa ito ng kamatayan nila. Kung sabagay kung hindi nangyari ang pangingisay sakin eh malamang ay nahumaling rin ako. 

Gaano kaman kalungkot o kasakit sa dibdib ang pinagdaraanan mo, hindi mo yun mararamdaman maski na pilitin mo. May Kapangyarihan ang Meth na panandaliang alisin ang depression sa kaluluwa mo. Parang Magic.