Showing posts with label my photography. Show all posts
Showing posts with label my photography. Show all posts

Tuesday, June 18, 2019

the weakest link


Yung ikaw nalang lagi weakest link. Pero laban parin. Maski gaano ka kahina ang mahalaga ay isa ka sa pinaka hard working na individual sa room.

Laban lang hangang tangalin nila ako. Andito nako, make the most out of it.
There's no such thing as madaling  account.

Friday, May 17, 2019

walton noodles


Yung after 8 days naterminate ka. I did my very best. Rest muna for a week then apply ulit. Mami-miss ko yung Walton noodles.

I believe may mas better waiting for me.

Wednesday, March 13, 2019

149


Sarap mo, sana mapadalas. Isa nalang kota na lol.

Tuesday, January 1, 2019

a new day has come ver 2.9


( MOA ) Manila Bay, January 1, 2019

Unwind lang, muni-muni, isip-isip ng mga plano ko for this year. Pinagiisipan ko rin kung mag-papahinga pa ba ako ng isang-buwan bago mag hanap ulit ng work. Di ko alam kung bakit ako nagmamadali. Kailangang ko rin ng pahinga na. Ang hirap mag-decide. As my favorite word goes... " Bahala na " lol.

I'm soo proud of myself for not buying that " Thing " na dinayo ko pa dito sa MOA. 
No more hoarding... for now lol.

I just wish na within this year mahanap ko na yung dream job ko.

Thursday, October 4, 2018

37th


Happy 37th B-day to me! Dahil busy at pagod sa training ay itinulog ko nalang ang celebration. Ayaw ko rin manlibre, wala rin namang ipanlilibre lol! Wow this is amazing I am officially 37!

Wednesday, September 5, 2018

wild grass


Well andito na naman ako, napasubo na naman, wala kasing choice. Kelangan mag trabaho. Kelangan kumita ng pera. Sana kayanin ko. Sana makapasa ako at sana magtagal.

I'm a wild grass. Charr!

Friday, August 17, 2018

habagat 2018


Thank you Lord, hindi mo pinaabot ng second floor, kung hindi lagot na naman ng malupet.

Aug 11-12, 2018.

Wednesday, July 4, 2018

naniniwala kaba sa forever?


Tanging hiling ko lang naman ay may trabahong mapakasalan. Yung tipong trabahong magstay ako  hangang huling hininga ko, kelangan ko ng continues na supply ng pera, yun' lang naman. hindi naging matagumpay ang pangalawang attempt ko, ang hirap ng exam, pang genius. Naglaho na yung pangarap kong magkaraoon ng work na malapit lang. Palayo na ng palayo. Grabe grabe. Marahil, subalit, datapwat hindi siguro para sakin. This is only the beginning. Naway magbunga ang paghahanap ko ng magandang prutas.

Friday, June 1, 2018

where the stars shine


Eh di saan pa kundi sa paborito kong lugar..." Starlites " Yun ang takbuhan ko pag gusto ko lang mag unwind o maiba naman kesa magkulong sa kuwarto ko. Nandun lang ako sa isang sulok umiinom ng tatlong boteng Pulang Kabayo. May sariling waiter narin ako, sa tagal ko dun tumatambay mag-isa, I think friend ko na siya maski na we barely talk. Madalas ako dun ng Tuesday. Tuesday na patay na araw, para kaunti lang ang tao. Bihira ako ng Friday o Sabado doon kasi punuan. I really enjoy observing yung samut saring crowd dun. I also enjoy watching yung mga taong kumakanta sa stage, Jina-Judge ko yung galing nilang kumanta mala Simon Cowell, of course only in my mind. Tagal ko ng suki ng lugar nayun, hangang ngayon wala parin akong na-hoo-hook up dun, puro hangang tinginan nalang. Well anyhoot, yun lang.

Tuesday, May 8, 2018

midnight proxima


Everything is getting more complicated, I feel like I'm gonna snap out anytime. Ayaw na ayaw ko pa naman ng stress. May problema nanga sa kapatid kong nawala sa sarili, dumadag pa tong tatay ko na may sakit nanga, Nagawa pang mang-babae. Gusto kong tumakbo ng malayong- malayo, pero maski saan ako magpunta hindi ko matatakbuhan ang mga problema ng pamilya ko. This is it! Entering the constellation of Midnight Proxima. Alam ko na umpisa palang to and things will get worst. Kakayanin ko lahat to', wala akong choice.

This will be an endless cycle of dark loops, Welcome to Midnight Proxima.

Friday, May 4, 2018

black jesus


Yung natapos mo na lahat ng requirements, nakapag- J/O kana at lahat, sabay hindi kana rereplayan at kokontakin nung kumpanya. May dahilan ang Diyos kung bakit nagkaganoon, marahil hindi talaga siguro para sa akin, sana nga mas better yung work na mahanap ko. I'll just put my fate in God, alam naman niya na I'm doing my very best makahanap ng malapit na trabaho.

Next week, Job hunting ulit!

Thursday, May 3, 2018

happy bday my megasonicwarhead


Naway nagustuhan mo ang munti kong regalo at ma-Inspire kang magsulat ulit.
Happy Birthday and cheers to our 24 years of friendship. Bestfriends for life.
Mabuhay ang mga Butch na Tibam!

Wednesday, November 8, 2017

werpa


Yung pakiramdam mo na hindi mo matatapos tong contractual mong trabaho. Pero sayang ang pagkakataon na kumita ng pera. Kaya naman. Paminsan nakakaumay na ma-stress, tapos uuwi kanalang para matulog tapos pasok ulit. Yung pakiramdam mo na sa office kana nakatira. Ang lungkot friend.

Thursday, August 3, 2017

jobhunt 2.17


It's time na naman para maghanap ng trabaho. I'm still waiting for a call doon sa una kong inaplayan. I want that job kasi seasonal at madali yung account, sana tawagan ako...

Sana ibigay nalang sa akin... I really need the money to getby.

Thursday, January 5, 2017

fear and weakness

Photo taken at Quiapo church. Jan 3, 2017

Ngayong tapos na pension ko sa SSS, ay diko na alam kung saan na ako kukuha ng ipangtutustos sa sarili. I have bills to pay, like electricity, internet water and food. Hindi na kayang magtrabaho, hindi ko na alam kung ano ng pagkakakitaan ko. Napanghihinaan  na ako ng loob at natatakot. Gusto ko nalang magkulong dito sa kwarto ko habang buhay at ayaw ko ng harapin ang katotohanan na kelangan kon g magtrabaho. Ayaw kong umasa sa mga magulang ko for financial support.

Hindi ko alam, naguguluhan ako...hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko.

Wednesday, October 12, 2016

149


Thank you rin 149. Your one of the best, You gave me something to remember and smile about.

Sunday, October 9, 2016

150


Goal achieved, fruitless, but I am very happy.
This one is for you, thank you.

Wednesday, October 5, 2016

happy 35th to me!



Another year alive! Well, wala nakong mahihiling pa, Nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin. Napuntahan ko na halos lahat ng gusto kong puntahan. Nabuli ko na lahat ng material na bagay na gusto ko. Ano paba mahihiling ko.....Ah ngapala meron, yung galit at sama ng loob na binigay mo sa akin andito parin. Yun nalang gusto kong mawala, para goodvibes nalang palagi at hindi na ako na-hihighblood. Yun lang muwah!