Friday, December 27, 2013

wagas! what a year of beauty.

Congratulations Gil Wagas for placing 4rth Runner up. L-Men Mr. International 2013.
Late ko na nalaman pati male pageants hindi natin pinalagpas. Truly we made the Philippines known around the World. Excited sa mga upcoming pageants this coming 2014!

Wednesday, December 18, 2013

manila ocean park











Maganda, pero kailangan pang i-improve ng kaunti para maging world class.

Tuesday, December 17, 2013

miss international 2013 is miss philippines

World na, Supra na, International pa! Surely Bea Rose Santiago closed the year with a Grand Bang.
We wom 3 major pageants this year. Surely 2013 is a unbelievable year for Pinay beauties. I'm sure na break natin ang record. Three crowns in one year are you kidding me!

Miss World- Philippines ( Winner )- Megan Young.
Miss Universe- 3rd Runner Up- Ariella Arida
Miss International- Philippines ( Winner )- Bea Rose Santiago.
Miss Earth- Top 8- Angelee Claudette Delos Reyes
Miss Supranational- Philippines ( Winner )- Mutya Datul.
Miss Grand International- 3rd Runner Up- Annalie Forbes

San ka pa!

Wednesday, December 11, 2013

miss earth 2013 coronation

I'm really sad that my girl Angelee Claudette Delos Reyes did not make the top 4. Hangang top 8 lang. 

For me eto dapat ang naging result:

Miss Earth 2013: Venezuela ( Winner )
Miss Air 2013: Thailand
Miss Water 2013: Philippines
Miss Fire 2013: Korea

Sa halip ay ito ang resulta:

Miss Earth 2013: Venezuela ( Winner )
Miss Air 2013: Austria
Miss Water 2013: Thailand
Miss Fire 2013: Korea

Well it was a stiff competition at grabe ang top 8 lahat sobrang gaganda. It's really hard to predict. Miss Mexico reminds me of Shamcey Sup- Sup. Thailand is my most favorite.

Monday, December 9, 2013

prick

[k][e][n][d][r][a]:  Syempre naman, you Prick!
[c][r][a][z][y] [g][a][g][a]: Prick? Ano yun? Yun ba yung natusok?
[k][e][n][d][r][a]: Gaga hindi, yun yung parang kakaiba o weird.
[c][r][a][z][y] [g][a][g][a]: Ha?? ( Nga Nga )
[k][e][n][d][r][a]: " Your like a prick of nature. " Spell ko sayo: IF-R-E-A-K.
[c][r][a][z][y] [g][a][g][a]: Ahh Freak!
[k][e][n][d][r][a]:  Oo! Gaga ka talaga, yun nga ang sabi ko diba Prick?!
[c][r][a][z][y] [g][a][g][a]: Ah Okay, prick kung prick.

Wednesday, December 4, 2013

popularity contest

Just when nagstart kanang mag seryoso sa work, you'll get Terminated.

Regardless kung gaano ka-well liked or popular it all boils down to the job itself.

Nagulat yes, kasi biglaan. Pero tangap ko. I know how horrible ako sa trabaho. Pero that's how life goes.

Today you're In. The next day your out. I will surely miss my friends there.

Tuesday, November 26, 2013

huli ka balbon

Habang nanood nung Youtube. Miss Universe 1994 ay biglaang nag buffer. Haha Naka belat si Miss Slovak Republic habang nagulat yung isang Senator. Alam ko Senator siya, hindi ko lang knows yung name.

Friday, November 22, 2013

miss grand international debuts 2013

Congratulations Annalie Forbes for bagging 3rd Runner up at this year's Miss Grand International.

This year Miss Grand International debuts at Thailand. Mala Miss Universe ang tema ng pageant. Truly isa na naman kaabangang pageant. Meron rin cause ang pageant ito ay World Peace. Grabe mapangahas ang layunin ng pageant at good-luck sa mananalo. The pageant debuts with 75 stunning beauties from around the world.

Wednesday, November 20, 2013

my miss earth 2013 top 5 photogenic

Sila ang Top-5 ko sa Photogenic Award. Ako na ang nag decide kung sino mananalo.

4rth Runner Up- Ukraine
3rd Runner Up- Korea
2nd Runner Up- Kosovo
1rst Runner Up- Albania

Winner- Crimea

Tuesday, November 12, 2013

tropical cyclone napoles

Mas masahol parin ang ginawa ni Napoles & minions kesa  sa 10,000+ na buhay na kinitil ni Yolanda. Hayop ka talaga Napoles, para ka lang Mongoloid na nagka-Amnesia.

Sunday, November 10, 2013

miss dragona universe 2013

I'm so proud of you Ariella, Pinahiya mo mga bashers mo. Nakapasok ka sa top five is more than enough. You make us Filipinos proud.

Bet ko talaga si Miss Spain. Sana siya na lang ang nanalo. Why? Kasi medyo mukha siyang filipina at natural ang beauty nya. Ganda ni Spain

Nakakaumay na isa na namang Drag-Queen ang nanalo. Dapat paltan na nila ang pangalan nang Miss Universe sa Miss Dragona Universe.

Saturday, November 2, 2013

aribba walk


Too many negative comments from us Filipinos. The worst part is tayo dapat ang sumusuporta ng todo sa kanya. She is a full-blooded Filipino. Kung kailangan nyang magtranslator mag translator. Aba matagal na dapat tayo nag translator sa mga pageants. Yes, she isn't bright but that doesn't mean na wala siyang chance sa Miss Universe crown. Can we just support her. I'm praying she makes the top 15, Or best  bring home the Bacon.


Naiingit ako sa mga baklita sa office all they talk about ay pageants, lalo na itong upcoming Miss Universe sa November 9. Hindi ako makasingit at sabihin ang mas mahahalaga kong opinion at kaalaman pageants. Yung ibang bakla makapagsalita lang.

Vote na po natin siya para sure na na makapasok po siya sa top 15. Sobrang dali lang bomoto.



Eto po link:  http://www.missuniverse.com/members/contestants
By hook or by crook I really do think that we deserve the Miss Universe crown this year.

Wednesday, October 30, 2013

work b*tch

Ever since nagstart ako sa company na to ay nag fe-feeling dude na ako. From the clothes I usually wear, hangang
sa mga expressions ko. " Dude " " Wieww " at " Sheyt ". Lalo na ang hobby kong mag Magic The Gathering na hangang sa work station
ko ay lagi kong dala ang mga baraha ko open ang station ko sa kung sino man ang makipaglaban during breaks. Very likable
ako sa mga men of all sorts na lagi kong kainuman after shift. Well balanced daw ako at man with a few words. Funny rin ako with a kick of pagiging sira ulo.
occasionally and they think na strong ang personality ko. That's why it's never difficult getting along with anyone. I just feel so
normal, So in, So Existing but definitely invincible, but always keeping my self on the ground. So at peace with everyone although pa simpleng
mam-bully paminsan. I'm such a feeling dude.

Monday, October 28, 2013

a fairytale

Prep ako noon nung ma-In love sa " The Ugly Duckling ". Naging paborito ko itong fairytale at labis akong na-In love sa illustration at sa istorya nito.  I can still remember na ang Swan ang pinaka una kong pinag aralang iguhit hangang ma memorize ko ito. At least close enough sa actual nitong ilustration. I was very little then. Although I never really feel that I was ugly then. Maliit palang ako ay mahilig nako sa mga magagandang bagay. Kaya naman nabighani ako ng gansa at a very young age.

This might explain why I love beauty pageants so much.

Wednesday, October 16, 2013

it hurts so bad

Wala ng mas sasakit pa na makita mo ang iyong close friend na magkaroon ng love connection sa iyong ultimate crush.

It hurts so bad that your only choice is to turn around and walk away.

Saturday, October 5, 2013

all this i should have known

Ngayon lang ulit ako na in-love ng ganito. Kung kelan patapos na ang training ay dun lang kita nakatabi. Ramdam ko ang strong connection natin. Hindi parin ako nag assume. Straight ang tingin ko sayo at hindi ko malamang malalaman ang mysterio na bumabalot sa pagkatao mo. Wala rin naman akong pakialam kung ano kapa basta ang alam ko highly attracted ako sayo. Alam ko na hindi na ulit kita makakasama hangang tingin nalang ako sayo sa office. May connection tayo yan ang naramdaman ko pero parehas tayong gumawa ng makapal na dingding para labis maintindihan ang isat-isa. Maraming signs ang dumating na hindi ko inexpect. Hindi ako naniniwala sa signs. Naniniwala lang ako pag mismong sa tao nangaling na.

Well I guess see you around, P ikaw ang Edward ng buhay ko.

Hold me one more time 
Hold me while we dance together 
Hold me now our love has gone 
We tried to talk to no avail 
We knew inside that this had failed 
With you, I could never say what lay within my heart 
With you, there was always something keeping us apart 
With you, I was never really sure-


All this I should have know- Breathe
Funny that I can imagine myself with you forever. But I know that it is impossible.

Saturday, September 28, 2013

2013 the year the philippines conquered the world


Finally, the ever illusive Miss World Crown. Grabe naluha talaga ako sa tuwa, hindi ako makapaniwala! Megan Young isa kang alamat! We truly deserve the crown. Finally really! Nakakataba ng puso!

Miss World 2013 Special Contests and Awards:

3rd runner up: Multimedia award
Winner Miss World 2013 top model
4rth runner up: Beach fashion
Miss Asia and Oceania

Thursday, September 19, 2013

the gathering

Natutuwa naman ako sobra. Ngayon lang ako nakahanap ulit ng mga kalaro sa Magic The Gathering. Ever since nagstart ang training ay madalas nakong nagdadala ng mga card decks. During breaks or while waiting for the trainer ay wala akong ginawa kung hindi makipaglaro ng Magic.
Grabe this is like soo cool. May mga naeeganyo naring matuto at maglaro.
Cool shit! 
From time to time ay dumarayo pa ako ng ibang lugar para mamili ng Magic cards. I love Magic the gathering forever!
Stormfront Pegasus. One of my most favorite common cards. I'm in love with the artwork!

Monday, September 16, 2013

the quarters

Two days before mag start ng training ay may namatay sa female sleeping quarters sa third floor.
At kung papaano natuklasang patay na ang nasabing empleyado ay wala na akong idea sa detalye. Basta kinilabutan lang ako.
Totoo ito at kinon-firm ng aking trainor.

More than one month passed after an incident na may namatay sa sleeping quarters. During training ay naisipan kong umidlip sa male quarters katabi ang nasabing
female sleeping quarters. Third floor rin kasi ang training room namin kaya isang thumbling lang. Tumakas ako sa training ng dalawang oras dahil sa matinding hilo dulot ng matinding hang-over. It was after
ng lunch break ako umidlip. Konti na lang ang available na kama at napagdesisyunan kong pumwesto sa itaas ng double deck. 

Sa aking pag idlip ay paulit-ulit akong nananaginip at naalimpungatan. Nananaginip ako na nahuhulog ang bedfoam ng hinihigaan
ko. Parang may humihigop dito. At parang may slight panic ako. Mababaw ang tulog ko na umabot ng dalawang oras.

Bumalik ako sa training room ng maga ang mata. Chempong busy ay may ginagawa ang trainor at hindi ako napansin. Salamat narin ant 40 
plus kami sa klase. Kwenento ko ang napanaginipan ko sa akong seatmate/closefriend na graduate ng nursing.

" dulot yan ng sobrang pagod, may tendency talaga na bangungutin. "
" Yan kasi inom pa. " 

Marami paring tumatangkilik sa sleeping quarters ng babae na parang walang nangyari. Anong kama kaya doon. I wonder.

Sunday, September 15, 2013

all star

Ngayon lang ako nag training na may mga kasamang celebrities. I mean they are not that famous or literal na naging sikat but still they are celebrities. One is a member of an Ex boyband at ang isa anging member ng isang reality show. We are 45 in class the largest that I've ever encountered. It's true like I've watched in the movies. Popular and good looking people tend to group up and click automatically. Proudly ay kabilang ako sa grupong ito that I've labeled " Mean Girls and Boys ". I never intend to be a part of their group since I never thought that I don't belong. All we do is bully and look down at others and of course be snob. Well since I am a member I have to do my part that is Maging bully na rin although mild lang. Well medyo may pagkamasama naman talaga ugali ko to begin with. Ang Masasabi ko lang na highly intimidating ang grupo namin and anyone who tries to enter na hindi qualified ay binigigyan ng cold treatment or bunu-bully. Paminsan sa sobrang wala na kaming ma bully ay binubully narin namin ang isat-isa.

This is a once in a lifetime experience and I am truly enjoying it.
So this is what it feels like to be on top, So this is what it feels like to finally fit in.

Saturday, September 7, 2013

philippines bags miss supranational 2013

Ang aking paboritong Si Mutya Datul! Tinalo lang naman nya ang 80 contestants from all over the world. I'm so speechless pakiramdam ko ako ang nanalo! Dinagsa ako ng mga mensahe sa fb dahil sa pagkapanalo ng aking pambato na si Mutya Datul. Huli ko na kasing nalaman haha.

Friday, August 30, 2013

napoles

Sosyal ka Christy Fermin. Wheelchair mo  Loius Vuitton.


Hinding hindi na ako magtitiwala sa artista.

Makakalusot rin tong si Napoles katulad ng mga Ampatuans na nalibing na sa limot. Basta maraming pera ay makakalusot!

Tuesday, August 20, 2013

rain rain go away

Hayst suspended training tonight. Here we go again. Panic mode. Baha na ng kaunti sa kalsada. Sana huminto na ang ulan. Ilang araw ring malakas ang ulan kaya kabado na naman kami dito.

Sunday, August 11, 2013

palawan paradise






Remembering Paradise 2007
Puerto Princesa, Palawan.

Honda bay. Agenda: 
Island hopping: 
Pangalawang islang pinuntahan ay ang snake island, Pucha pagbaba ko naghanap agad ako ng
Coral snake. Ampucha pala kaya pala Snake island eh hugis ahas yung Isla. May Island rin na maraming starfish.


Day 3: Sabang, Palawan.
Maputik, siksikan ang bus. " Mala Amazing race ang biyahe ".
Mistulang laging matutumba at mahuhulog sa bangil ang sinakyan naming bus.
Maganda ang tinuluyan namin doon. 

Kinabukasan ay nagtungo kami sa Underground River!
Natuwa kami ng salubungin ng mga ungoy. May dala akong plastic bag.
Bigla nalang kinamot ng isang ungoy ang plastik bag na hawak ko, tumilapon ang mga laman. Salbaheng ungoy yun nag ala-Wolverine.

Hindi Pala mga paniki ang nasa loob ng underground river. Ibon pala sila actually. Madilim sa loob ng cave and you cant actually see them clearly.

Friday, August 9, 2013

binibining #39 mutya datul

Favorite ko si Bb #39 Mutya Johanna Datul. Sya ang pambato natin sa Miss Supranational 2013. I really have high hopes na ma-sungkit natin ang korona this year. Well she's perfect!

Katulad ng isang taong mahilig sa boxing at sabik sa susunod na laban ni Manny P. Ako naman ay sabik sa darating na mga pageants this year.

Highly awaited ko ang ( From most fave to least fave );

Miss Universe 
Miss International
Miss Earth
Miss Supranational
Miss World ( Luto kasi masyado )

Saturday, August 3, 2013

kristeta ( back to school )

Sa pusod ng Forest sa labas ng kaharian ng Tralala…

Kristeta: Knock Knock!

Geneva : Who’s there?

Kristeta: Kristeta..

Geneva: Kristeta who?

Kristeta: What the fuck let me in I need your help. Daming Echos ah.

Binuksan ni Geneva ang pintuan ng kanyang cottage na yari sa samut-saring minatamis.
Oh ikaw pala malusog na prinsesa. Napansin ni Gineva na may white cream ang labi ni Kristeta. Kaya ka tumataba eh kinagatan mo ang ding-ding ng bahay ko noh? Hindi ba halata doh ang wika ni Kristeta. Kaya mainit ulo mo kasi yang mga sangkap sa ding-ding ng bahay ko ay nakakapag painit ng ulo. Tska tigilan mo na ang pagkain ng mga matatamis kaya ka lumulusog eh.

Impaktang to ang wika ni Kristeta.

Kristeta: Nid ko help mo. Gusto kong maging katulad mo na isang magaling na mangkukulam.

Geneva: Malamang magaling ako. Dahil ako lang naman kasi  ang mangkukulam sa kaharian                natin. Hmmm. Mahal mag-aral sa akin keri ba ng budget mo?

Kristeta: Meron akong dalawang baka na kasing bilis ng kabayo tumakbo, isang bibe na nagsasalita at 100 gold coins sa aking bank account, keri naba yun?

Geneva: Hmmm kulang pa.. pero isama kung mo na yang Betty La Fea boots mo ay keri na.

Deal! Ang walang pagdadalawang isip na sagot ni Kristeta.

Geneva: At yang Tiara mong kulay Ube.

Kristeta: Witit wag toh.

Geneva: Chika lang gurl ito naman parang nireregla.

Si Geneva Toots ay isang Matandang mangkukulam on her early 60's. Picture mo si Bella Flores with matching Kilay at Puta red lipstick at oo boses rin ni Bella Flores.

Sa unang leksyon ni Kristeta ay pagaaralan nyang gumawa ng slimming potion na 24 hours lang ang bisa.

Kristeta: Dami namang sangkap nakakaloka.
Geneva: Gusto mo bang matuto o hindi?
Kristeta: Like.
Geneva: O yun naman pala reklamo kapa jan. Tsaka ayan na ang mga sangkap hahanapin mo nalang.

Sa libro ay nakalagay:

1 tsp balakubak ng bakla
1 tsp Tartar ng rat
1 tsp tubig from Pasig River
4 na capsules ng slenda
1 rib ng anorexic model
1 tasa ng pampurga ( Strawberry Flavor )
1 sachet ng Meth ( Shabu )

Directions: Ilagay sa blender lahat ng sangkap. Inumin. At wag kumain ng isang lingo bago ang main event. Wag mag alala, pwedeng uminom ng tubig. 

Kristeta: Potion ba to O lason?

Geneva: Mabenta yan gaga! At gusto mo ring pumayat diba?

Wednesday, July 24, 2013

13

According to my calculations ay 13 years na akong nahuhumaling sa pag kanta. 

Somewhere between that ten years at bunga narin ng hilig kong mangaya ng boses ng mga artists ng mga madalas kong kantahin sa mga videokehan ay nadiskubre ko na kaya ko palang gayahin ang boses ng lead vocalist ng bandang Suede. I love this band, hayskul ako noong nung magustuhan ang banda nila. Hindi pa ako mahilig kumanta noon.

It was one of those days na naisipan ko lang kantahin ang kanta nila sa videoke and to my surprise ay gaya ko ang boses. Nasurpresa rin ako. Effortless. I guess you'll never know until you try. Naniniwala ako na lahat ng tao marunong man o hindi kumanta ay may ka Peg na boses ng kung sino mang sikat na mang-aawit. Although it might take you forever to find out. And the funny part is wala akong ni isang kanta nila sa mp3 player ko. 

Here they come the beautiful ones...tono lang ang kabisado ko sa kanta hindi yung lyrics.

Ikaw sinong ka peg mong voice?

Thursday, July 18, 2013

beki si shrek

shrek: usta? 

iku: mabuti naman kaw ano gawa?

shrek: eto nakahiga nagpapaantok

iku: ako rin eto nagdudukit

shrek: ok hehehehe

iku: taga san kanga ulit nabura lahat ng number ko sa phone. pangalan mo?

shrek: sto. nino kaw ba?

shrek: mico menthol ng pr

shrek: taga saan ka diskrit kaba?

iku: ha? ano?

shrek: sabi ko kung bi kaba?

iku: wititit

shrek: nagbbj kaba may place kb top krin ba?

iku: wichikels

shrek:eh ano ka?

iku: hayop. 

shrek: aw seryoso ano trip u sa same sex

iku: sino kaba at bakit ang laswa mo? Bakla kaba? syota nya to.

shrek: ah ok d jowa u bakla hahah

iku: hindi bakla syota ko. holdaper siya gaga! Humanda kang bakla ka.

shrek: si chino kaba?

iku: sinong chino naka drugs kaba?

shrek: ano ba name mo gurl kb?

iku: kendra

Saturday, July 13, 2013

kendra and the golden bibe



Hindi lang naman ako puros kasamaan at bitterness, I also love animals. In fairness dumayo pa ako sa Arangque. I really did take my time in selecting kung sino ang papasok sa top 5. I want them to be really unique from one another.
July 11, 2013. Ano kaya hitsura nila after a year. Quack! Quack!

Sunday, July 7, 2013

H.I.V

Finally nagkaroon na rin ako ng courage. Sino ba naman ang hindi matatakot kung malaman mong may HIV ka. Nakita ang add sa Pr. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at para matahimik na rin ang kaluluwa ko. Although sobrang bihira lang ako naka experience ng Anal Sex sa buong buhay ko.

July, 7 2013 Volleyball court Quezon City Circle.

Negative or Non Reactive and resulta.
Congratulations sa akin.

Kwento pa ni ser Jet na kailangan ng 8 galon ng laway sa isang halikan para mahawa ka ng HIV via laway, diko  natanong kung pano kung meron parehas na sugat o gingivitis ang mga bibig nila.
May kwenento rin siya na isang beki na nagpasagasa sa tren ng malamang may HIV siya. 

Ser Jet, salamat po ng marami sa libreng test.
Kung sino man ang Interesado eto ang number ni Ser Jet  #09172758962 at  #09309341865

Test na!

Thursday, July 4, 2013

endless

Wala nakong masulat tungkol sa buhay ko. Paulit-ulit nalang lahat. Parang isang cycle lang. Very empty, very tiring. Well I guess ganito lang talaga. Malungkot, nakakadepress sobra. Ganito talaga buhay ko. As if naman may choice at magagawa ako. I'm just trying to make the most kung ano pa ang meron.

Tapos na ang panahon ko. Bilasang isda na ako. Losyang.

Thursday, June 20, 2013

i just wanna see you be brave

[doctor]: It seems that everything is okay, but I still need you to take a sputum test for your clearance.

* In my mind: Fuck you ka! You said six months ago that If I am able to produce an old X-ray everything will be good na.

I just went blank and pale at that point. Producing Sputum for me is as impossible as producing a Golden egg.

[doctor]: Alright, just finish your sputum test then come back to me. Go at the counter and tell them that your not cleared.

In my mind: Fuck you and Fuck your money making clinic. I don't really care kung ma ban ako sa Convergys dahil sa kanila.

Nag walk out ako diretso sa pinto. Hindi ako nagbyad ng 540 pesos para sa 3 minutes na basurang consultation.

I am never gonna come back to that clinic.
Andoon pa naman yung classmate ko nung highschool. Staff nurse pa naman siya.

Tuesday, June 18, 2013

five

It was 4 a.m Father's day. One of the rare occasions na makainuman ko ang tatay ko. To make the story short. Inamin niya na meron pa pala kaming dalawang kapatid. Yung isa mas panganay sakin. 17 palang siya nung makabuntis. Eventually pumunta sa Europe yung babae na 4 months pregnant. Babae daw yung anak niya. Yung isa naman ay Babae rin Mas matanda sa bunso kong kapatid. So technically ay pangalawa ako sa mga anak ng tatay ko. Imbis na tatlo ay lima pala kami. Hopefully ay makilala ko yung dalawa ko pang kapatid balang araw.

It's just funny na alam na pala nila lahat sa bahay specially ang nanay ko. Ako nalang pala ang hindi nakakaalam. Whats the fuss?. The more the merrier!

Saturday, June 8, 2013

Friday, June 7, 2013

charice padilla

Nangyayari naman talage eh, Hindi naman bulag ang mga tao. Bakit masyadong apektado? Kung makapag react naman ang mga madre. Demandahan agad-agad. Basta ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay walang alam na kasarian. Saludo po ako sayo ser Pol Medina.



Charles este Charice, Hindi mo na kailangan mag-out, dead give away na ang mga pictures mo. I am so proud of you. It takes a lot para gawin ang ginawa mo. Hindi mo narin inalintana ang pera na kikitain mo pa sa international scene, mas kayaman sayo ang kaligayahan mo. Saludo ako sayo boy, isa kang alamat! Hindi naman nawala ang talent mo, nagpakatotoo ka lang. I don't really understand na mas tinitingnan pa ang sexuality mo kesa sa talent mo. You rock boy!


Ikaw na Paolo Balesteros. Tey ang ganda mong Beki. Idol kita!!!

Thursday, June 6, 2013

try sleeping with a broken dream

Three days nakong nasa Libis upang tapusin ang aking application sa Con**gy's. Dalawang beses ko na silang naturn down. Kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay itinuloy ko na bago pa sila tuluyang maguluhan at mapikon sa akin. Depende narin lang sa medical clinic kung i-mess up pa nila ulit ang application ko. Kaya naman dalawang araw nakong kumakain sa aking paboritong Steakbreak maski na lasang medyas pa ang soup nila. Hehe disregard the soup.

Andito na naman ako sa aking routine, walang kaalam alam ang kumpanya na bibiktimahin ko lang sila. I hate working sa Callcenter pero like I've said a million times eto lang ang alam kong gawin. Ang mag training.

Lagi kong naoobserbahan ang mga taong masaya sa trabaho nila, sa maniwala kayo't hindi meron. 
Pinapangarap kong makuntento sa isang trabaho maski hindi ganoon kalaki ang sweldo. Gusto ko lang naman ng trabahong balanse lang, yung may time para mag petiks at may time ng adrenalin rush. Unlike sa BPO na puros adrenalin at stress na walang kapantay.

Bago umalis ng Libis ay napadaan ako sa isang Bonsai contest sa sobrang dami ay hindi ko na nalibot ang buong lugar, pagod nako. Pagkagagandang work of art.


Habang papauwi kanina ay tinanong ko ang sarili ko. Na bakit ganoon, malas na nga ako sa pag-ibig, hindi pa ako makahanap ng trabahong gusto ko. In a sense napaka unfair pero wala naman akong magagawa. Wala lang just one of those days.


Monday, May 27, 2013

ang true beauty queen ay witit maarte

Venus Raj in: Laba laba at linis linis ng fish.

Wednesday, May 22, 2013

very strong feeling

Kinoronahan na ang bagong Miss Earth Philippines na si Angelee Claudett delos Reyes. I have this strong feeling that she will bag the crown this year. Why? Simple because we own Miss Earth at bukod dun ay napakaganda niya. Dinaya man tayo sa Miss Universe last year ay sure naman ako na we will bag Miss Erath this year. Tayo lang ang hindi nangarapal last year. Reminder: Miss World 2012 ay Miss China, ginanap sa China. Miss Universe 2012 ay Miss USA, ginanap sa USA. Miss International 2012 ay Miss Japan, ginanap sa Japan. Miss Earth 2012 ay Miss Czech Republic na ginanap dito sa atin. Hindi tayo nangarapal. Kaya naman We deserve Miss Earth Crown this year. Can't you see how beautiful she is?!!!

If she is not beautiful, then what is beautiful to you? So far siya ang pinaka magandang Miss Earth representative natin.

Sunday, May 12, 2013

the lonely magician

At dahil walang kalaro ay naglalaro ako mag-isa ng Magic cards. Imaginin mo na maglaro ka ng Chess mag isa. At sarili mo rin lang ang katungalian mo. The funny thing is nalilibang ako. Pwede palang mag laro ang 1 player na pang 2 or more players na game haha. This is my way kung maganda ba ang pagkaka-construct ko ng mga Decks ko. Para rin puzzle, kailangan Nsync ang mga baraha para masaya.

Currently I have constructed 6 official decks with 60 cards per deck.
Marami pa akong extra cards, I lost card sa sobrang dami.

The 6 current official decks ( 60 cards each )

1 Pure White
1 Mixed:  Green, White and Artifacts. ( Metal Craft ang tema )
1 Pure Red
1 Pure Black
1 Pure Blue
1 Pure Green

At dahil sobrang dami ko pang extra cards Around 200 siguro or more. I have plans to construct 2 more decks of combinations of  Blue and Black or Red and Black.

Tara kaibigan, Magic tayo, free lessons from me : )

Saturday, May 11, 2013

save me, break me

Matagal ko na siyang ka-text. I cant't really remember. I am sure mga around 6 months na kami constantly magkatext. Ay ako lang pala ang masugid na nagungulit sa kanya.
Taga Ilo-Ilo siya. Gragraduate na ng pagdodoktor. Hangang Isang araw nasorpresa nalang ako ng  nagkaroon ng chance na magpa- Manila siya. May aatendan siyang special occasion sa Cavite kung nasan ang mga kamag anak niya. Three days lang siya at babalik na rin sa Visayas.

Cool ang naging pagtatagpo namin. It was not romantic, very casual as friends. Unlike noong magkatext kami mas may attachment maski papaano. I guess we are cool as friends, it didn't turn out as well. We are cool, pero walang spark. We just don't like each other romantically. We might click as friends. Ng magkasama na kami higit kong naramdaman ang agwat namin. Higit pa sa dagat ang distansiya namin sa isat-isa. I did my best na wag maging awkward ang ilang oras na pagsasama namin, I managed to pull it of. Deep in my heart Im aware that is our first and last meeting. And we did not text each other again.