Monday, January 28, 2013

vocal adrenaline

( Three months ago ) Teambuilding, isang bataliyon kaming nagtungo sa isang private resort sa Laguna.
Wala pang two hours ang travel from Ortigas going there, so there, Mega stop over kami sa town proper upang mamili ng alak.

The place was more than we expected not bad sa 1,000 php na ambag; Dalawang swimming pool, videoke area, three fully airconditioned rooms, billiards area at kung anek-anek pang areas.

Kanya kanyang trip pagdating, merong natulog agad dahil wala pang mga tulog, merong toma agad, merong billiards agad at siyempre yung iba mega plunge agad sa pool at siyempre ang inyong lingkod mega birit agad sa videoke area kasama ang iba pang gahaman sa microphone.

"Hoy kuwaan tayo ng piktyur" Wika ni kagandahang dalaginding. So ayun mega kuhaan kami ng piktyur, kada piktyur ay chinichek namin kung maganda ang pagkakakuha.

Biglaang....
Umalingaw ngaw ang sigaw ko at high pitch na tili ni dalagita.
Sa huling picture namin ay may bansot na middle aged na lalake sa likodan namin, stranger ito at sumulpot from nowhere. "Multo!"

Napatingin ang lahat sa amin, sabay wonder around sa paligid ng mga mata ko

Sa paghanap namin kung sino man ito ay napansin namin si manong caretaker na nagaayos ng mga upuan. " Shet si manong lang pala! ".

Sabay tawanan namin, ngunit mabilis parin ang kabog ng dibdid ko at andoon parin ang kilabot.
Tunay na nakakahiya ang nangyari.

Buti nalang at napasigaw ako at hindi ako bumigay. Wiz nila knowing na beki ang lola mo.

Thursday, January 24, 2013

kalansay lohan


Bakit sa tuwing may makikilala akong bagong mga tao ay napapansin nila ang taglay kong kapayatan. Eto ang ilan sa mga comment nila sakin:

" Shet sobrang payat mo maysakit kaba? "
Sagot ko: Obvious ba?

" Shet sobrang payat mo nag-dradrugs kaba "
Sagot ko: Sana nga kaso wala akong pambili eh.

" Grabe mukha kang bungo "
Sagot ko: Matagal na teh. Huli kana sa balita.

" Magpataba ka nga baka mapagkamalan kang tinik "
Sagot ko: Sige penge pambili ng food.

Kung maka suggest ang mga hinayupak, akala nila ganoon kadali.

And in one incident: " Grabekamukha mo si squidworth sa Spongebob.!" 
Sagot ko: Doh! I know right?

Ilan lang ito sa mga comments sakin. Over the years ay natutunan ko ng tangapin, Pikon Ako, pero pagdating sa bagay nato' eh wala nalang sakin' they are all saying the same thing.

Kaya naman hate kong lumabas ng bahay ng tirik ang araw. Kasi bago ako makalabas ng bahay ay kailangan kong magsuot ng 2-3 layers ng damit para matago ang mga buto- buto ko este tinik'

Totoo na pagmalakas ang hangin ay matatangay ka pa sobrang payat ka. Nung minsang bumagyo at nasalabas ako ay nag levitate ako ng few inches from the ground dahil sa lakas ng hangin.

Nung minsan may bagyo, malakas ang hangin, habang hawak ang payong ay natutumba ako or nakakaladkad pa ata ng payong.

To make things worse, bukod sa sobrang payat ko, ay sobrang nipis rin ng mga buto ko. Wala talaga akong lusot.

Marami narin akong ginawa para lunasan ang labis kong kapayatan.

Isa na diyan ang pag-inom ng mga gamot na pampataba
Pagkain ng sobra sobra hangang masuka ako. Usually ay nagtatae ako.
At sa maniwala kayo at hindi nag gym nako ng four months. Kaya ako tumigil ay dahil imbis na lumaki ang katawan ko ay lalo pa akong na tone down, hindi tumalab ang potein supliments, Kasing flat ng sahig ang tiyan ko before mag gym after gym ay nagka six pack ako. Tinigil ko na kalokohan.

Lahat na ng bagay sa diksionaryo ng pagpapataba ay nagawa ko na.
Walang tumalab.
====
8 Hours ago during my medical exam;

Doc: Wagkang matakot kumain ha. Lagi kang Kumain.

Upon discovering that I am 84 pounds. My height is 5"6- 5"7. Ganoon ako kapayat.

Saturday, January 19, 2013

the grudge

Ala Una na ng madaling araw ng makauwi si boy Astig galing sa isang inuman at dahil lasing ay susuray suray ang binata at mediyo umiikot narin ang kaniyang paningin. Wala ng tricycle ng mga oras na iyon kaya naman naglakad nalang si boy Astig papauwi. Madilim ang subdivision, malawak ang mga kalsada at nangigibabaw ang mga naglalakihang mga puno ng Nara. Habang binabaybay ni Boy Astig ang isang liblib na kalsada ay napansin niya sa hindi kalayuan ang isang matandang babae na nag wawalis. " Kakaiba ito ah, nagwawalis sa dis oras ng umaga! "- Ang bulong sa sarili. Habang papalapit ng papalapit si Boy Astig sa matandang babae ay mistulang nag-iiskip at nag blu-blurr ang mga bahagi ng katawan ng matanda. Mistulang eksena sa isang Japanese horror film. Ipinikit-pikit ng susuray suray na si Boy Astig ang kaniyang mga mata upang malinawan at magising. ng tumapat na si Boy Astig sa babaeng matanda ay tiningnan niya ito. Dahang dahang tumungo ang ulo ng matanda.

At sa kaniyang surpresa ay luwa ang kanang mata at sunog ang kaliwang bahagi  ng mukha ni lola.

Napalundag na mistulang kabayong nilatigo si Boy Astig.

Hangang ngayon ay hindi parin niya alam kung isang panaginip lang naganap o totoong pangyayari.

Adik lang. Baw..

Sunday, January 13, 2013

let me in


Another spectacular movie.One of the best movies that I've seen and now one of my favorite that I could recommend to anyone. My kinda movie. I don't want to go into details, you must see it yourself. I don't want to spoil the thrill and fun. Basta eto lang ang clue ko: May pagka Aswang ang movie na ito. Yun na. Alam na.

Ang ganda!
Nagkataon rin lang na kamukha ng bidang lalake ang Avatar picture ng blog ko. Kaninang madaling araw ko lang napanood ang movie na ito.

Friday, January 11, 2013

kristeta ( good morning )


Sa asar ni Gaston ay naitulak niya ang bangag sa Pixie dust na si Peter. Nauntog si Peter at nakatulog sa hall way.

Naramdaman ni Kristeta ang init ng sinag ng araw at lagatak rin ang pawis niya sa init ng kanyang get up. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Dahil sa matinding hang over
ay nangilala pa ito. Parang iba ang ceiling. Sabay tingin sa paligid. Nakita niya ang mukha ni Gaston na mahimbing ang tulog.
Sa pagkabigla niya ay bigla siyang napa-tayo sa kama. Pag tayo niya hindi niya napansin ang isang used condom sa sahig at nadulas ang babaeng suman.

Blagadag! Nagising si Gaston na pantalon lang suot. Sabay tayo ni Kristeta na nagsisisigaw. Walang hiya ka! Rapist! Maniac! Kriminal!
Malalagot ka sa batas. Tumayo si Gaston upang pa kalmahin ang nagwawalang suman. Grabe ang pag pupumiglas ni Kristeta na mistulang na poposes.
Sa pagwawala ni Kristeta ay nakatapak na naman siya ng used Condom at muling nadulas. Tumayo siya at sisigaw pa ulit. Biglaang pinasakan ni
Gaston ng used medyas ang bunganga ni Kristeta. Sandali Shhhhhh! Kalma ka lang ang wika ni Gaston. I can explain.

Nag explain si Gaston. Bakal ang panty mo at may padlock ito. Kaya imposibleng magalaw kita. Ikaw lang ang nakakaalam ng combination niyan. Remember?

Kumalma si Kristeta. at umupo sa gilid ng kama. Samantalang umupo naman si Gaston sakabilang bahagi.

Bakit mo ako dinala dito? Ano ang pakay mo sa akin. Kung may plano kang perahan ako ay hindi ka magtatagumpay, kunuha na ni Cinderella
ang lahat ng kayamanan naming natitira. Salbaheng bruha yon, Grabe manira huhuhu.

Gaston: Ikaw ang destiny ko nakasulat sa mga fairytale sa national library of keme. Hindi ka man maganda ay sa iyo ko lang naramdaman to.

Kristeta: Fuck That! Everybody knows who you are at salamat sa compliment mo ha it really helps.  Fuck that may National library of keme kapang nalalaman. Hindi na uso yan sa mundo natin. Everybody is messed up! Tanga lang? Hindi ko ipagpapalit friendship namin ni Peter sayo, mawawalan ako ng VIP pass sa bar nya.

Gaston: Hindi ako pumapatol sa bakla.

Kristeta: Fuck that! I need to go home.

Gaston: Teka sandali!

Sabay tayo at walk out ni Kristeta diretso labas sa pinto. Masyadong mabilis ang kilos ni Kristeta upang mapigilan siya ni Gaston.


Blagadaaagdagadaaaag blag blab blogggg!

Sa dilim ay nahulog sa hagdanan si Kristeta. Hindi nabangit ni Gaston na dating Tower ni Rapunzel ang kanyang bagong tinitirhan.

Sa dilim:

Gaston: Okay ka lang? Asan ka? Walang pintuan. Nasa bintana ang hagdanan.

Kristeta: Fuck you ka talaga. Pramis! ( Ang naghihingalong sagot ni Kristeta ).

Thursday, January 10, 2013

kristeta ( peter pan )


Si Peter Pan ang isa sa mga baklang citizen ng Kaharian ng Tralala. Maihahambing ang ugali ni Peter Pan kay Vice Ganda. Balingkinitan
ang pangangatawa ni Peter. Hindi siya mukhang kabayo unlike ni Vice Ganda. Kahawig niya si Enchong D sa personal. Lagi rin kasama ni
Peter Pan ang kanyang Julalay na si Thinkerbell na isang ga-daliring airhead na fairy. May ari si Peter Pan ng nagiisang Gay Disco bar sa kaharian
ng Tralala. Ang pangalan ng kanyang Bar ay "The Palace of Keme". 

Sa Restroom ng bar 12:23 A.M. Wala pang magandang tama si Peter Pan, wala naring epekto sa kanya ang mga alak na iniinom.
Biglaan niyang hinablot si Thinkerbell. Mistulang nang hablot lang ng langaw ang Baklang si Peter.
Pagkatapos nito ay bigla niyang ipinagpag si Thinkerbell na mistulang Barbie Doll. Nag produce ng Pixie dust ang battered na fairy.
Agarang sininghot ito ni Peter Pan. Biglaang nagbago ang ikot ng mundo ni Peter Pan. Siya ay high na high na.

Sabay labas ng Cr na naka emote na at ready ng magsayaw. Tyempo na Barbie Girl ang tugtog na #1 sa charts ng mga hit music sa kaharian ng 
Tralala. Parang Roderick Paulate ang energy ng Baklang si Peter habang todo kembot na mistulang kabayong pinag ecstacy.

Sa hindi kalayuan sa dance floor ay si Kristeta. Mukhang kakambal ni Ugly Betty si Kristeta ng gabing iyon dahil sa get up niya. With
matching glases at bangs. Lasing na si Kristeta na parang suman na nagsasayaw habang hawak ang isang bote ng Rum. Lingid sa kaalaman ni 
Kristeta ay pinagmamasdan siya ni Gaston. Si Gaston ay isang Daddy type, Isa rin siyang kilalang Bad Boy sa kanilang kaharian. Hawig niya si J
Manalo sa personal. 

Mga ilang saglit pa ay lumapit sa counter ang lasing na si Kristeta upang umorder pa ng mas nakalalasing na inumin.

Gaston: Can I buy you a drink?
Kristeta: Fuck you.

Sabay walk out ng lasengerang Kristeta.

Ngayon lang na reject si Gaston ng ganoon. Halos lahat kasi ng prinsesa sa kaharian ng Tralala ay si Gaston ang nakabinyag. Kaya
laking gulat niya ng I-reject siya ng ka look-alike ni Betty La Fea.

Nag CR si Kristeta na walang alam na sinundan siya ni Gaston.
Paglabas ni Kristeta na Cr ay bigla siyang sinugaban ni Gaston.

" WTF! " Layuan mo ako ang lasing na sigaw ni Kristeta. Mahigpit ang pagkakayakap ni Gaston. Na pilit na inaabot ang leeg ni Kristeta upang halikan.

Gaston: Ang arte mo mukha ka namang suman.

Dama rin ni Kristeta ang mala Talong na sandata ni Gaston na lalong ikinatakot ng pa-virgin na si Kristeta.

Habang nag-struggle si Kristeta ay Dumating si Peter Pan sa hall way papuntang CR.

Peter: Walang hiya ka Kristeta! Akala ko Friend kita ang sigaw ng baklang si Peter.

( itutuloy...)

Tuesday, January 8, 2013

bestfiends

Humigit kumulang Tatlong taon na ang nakakaraan mula ng mangyari ang insidente.

Kamamatay lang ng bestfriend ng tatay ko noong time nayun'

Ang kanyang bestfriend na ito ay masasabing naging genuine partner in crime niya.

Namatay si kumpare sa sakit na Cancer.

3 or ikaapat na araw ng lamay noon ni kumpare, Isinabay sila ng asawa ni bestfriend, tatlo lang bale sila sa kotse, nanay ko tatay ko at si kumare.

Iniistart ni kumare ang sasakyan ni kumare...

Nang biglang magring ang phone ni itay.

kinagulat nila ng ang number na ito ay kay bestfriend.

Nagkatinginan ang tatlo.

Asan yung cellphone ni kumpare?

Nasa bahay, nasa cabinet.

tatay: wala bang ibang taong may access sa phone?

kumare: wala nakalock kabinet at naka off ang phone,
walang tao sa bahay lahat nasa lamay na.

Echos lang ba ito? Nagagalit si itay tuwing magtatanong ako sa insidenteng ito.

Sunday, January 6, 2013

million dollar question

Sa mga taong open ako or alam nila kung ano ang kasarian/preference. Ay lagi nilang itinatanong kung wala ba daw akong balak magkaanak. Hindi ba daw ako natatakot tumanda mag-isa.

Eto lang ang lagi kong sinasagot:

Wala akong balak mag-kaanak ni sa bangungot hindi ko naranasang makipagtalik sa babae. Hindi ko kaya ng mabigat ng responsibilidad of any sort, thats why hindi ako pwedeng magpalaki ng bata.

Hindi ako natatakot tumanda mag-isa, given na yoon. Ang kinakatakot ko ay tumanda ako walang pera. Isa lang ang pangarap ko. Yun ang makaipon ng malaking pera para sa aking pagtanda. Pagtanda ako ay aware ako na wala akong masasandalan kung hindi ang sarili ko. Na maski ilang beses akong maghananp ng magmamahal sa akin o ng mamahalin ko ay wala ring pahahantungan, hangang paghahanap nalang hangang sa huling hininga ko sa mundong ito.

Wednesday, January 2, 2013

miss tourism international 2012

Congatulations Rizzini Alexis Gomez! For winning miss tourism international 2012. You ended 2012 with a big bang. You make us Filipinos proud! Tinalo mo lang naman ang 55 other beauty queens from all over the globe.

Wala nakong masasabi. palong palo talaga ang Pinas when it comes to pageants nitong nakaraang 2012!


About the whole story.....

Tuesday, January 1, 2013

just roll with the punches

1 a.m past New Year.  Nag nainuman ang mga Provident boys. It was my first time to attend. Since tuwing new year ay hindi ako umaalis ng bahay. For some of them ay talagang bihira kong makasama at yung iba first time kong makainuman. Nagpunta rin yung iba kong mga kagalit. Nandun rin ang utol ko. Good thing na close ako sa ilan sa kanila, kaya naiwasan ang awkwardness. Hindi lang ako makasabay sa mga jokes at nasty na banat ng iba sa akin. Especially yung first time ko lang na makasama. Lahat naman na pagtawanan. Lahat naging laughing stock. I've manage na hindi mapikon. Gaano man kasama mga jokes nila sakin.
Pagkatapos ng inuman session ay pinaputok ito. It was the scariest  piece of shit I've ever experienced.
Goodbye 2012..Hello 2013!