Saturday, January 19, 2013

the grudge

Ala Una na ng madaling araw ng makauwi si boy Astig galing sa isang inuman at dahil lasing ay susuray suray ang binata at mediyo umiikot narin ang kaniyang paningin. Wala ng tricycle ng mga oras na iyon kaya naman naglakad nalang si boy Astig papauwi. Madilim ang subdivision, malawak ang mga kalsada at nangigibabaw ang mga naglalakihang mga puno ng Nara. Habang binabaybay ni Boy Astig ang isang liblib na kalsada ay napansin niya sa hindi kalayuan ang isang matandang babae na nag wawalis. " Kakaiba ito ah, nagwawalis sa dis oras ng umaga! "- Ang bulong sa sarili. Habang papalapit ng papalapit si Boy Astig sa matandang babae ay mistulang nag-iiskip at nag blu-blurr ang mga bahagi ng katawan ng matanda. Mistulang eksena sa isang Japanese horror film. Ipinikit-pikit ng susuray suray na si Boy Astig ang kaniyang mga mata upang malinawan at magising. ng tumapat na si Boy Astig sa babaeng matanda ay tiningnan niya ito. Dahang dahang tumungo ang ulo ng matanda.

At sa kaniyang surpresa ay luwa ang kanang mata at sunog ang kaliwang bahagi  ng mukha ni lola.

Napalundag na mistulang kabayong nilatigo si Boy Astig.

Hangang ngayon ay hindi parin niya alam kung isang panaginip lang naganap o totoong pangyayari.

Adik lang. Baw..

No comments:

Post a Comment