Monday, January 28, 2013

vocal adrenaline

( Three months ago ) Teambuilding, isang bataliyon kaming nagtungo sa isang private resort sa Laguna.
Wala pang two hours ang travel from Ortigas going there, so there, Mega stop over kami sa town proper upang mamili ng alak.

The place was more than we expected not bad sa 1,000 php na ambag; Dalawang swimming pool, videoke area, three fully airconditioned rooms, billiards area at kung anek-anek pang areas.

Kanya kanyang trip pagdating, merong natulog agad dahil wala pang mga tulog, merong toma agad, merong billiards agad at siyempre yung iba mega plunge agad sa pool at siyempre ang inyong lingkod mega birit agad sa videoke area kasama ang iba pang gahaman sa microphone.

"Hoy kuwaan tayo ng piktyur" Wika ni kagandahang dalaginding. So ayun mega kuhaan kami ng piktyur, kada piktyur ay chinichek namin kung maganda ang pagkakakuha.

Biglaang....
Umalingaw ngaw ang sigaw ko at high pitch na tili ni dalagita.
Sa huling picture namin ay may bansot na middle aged na lalake sa likodan namin, stranger ito at sumulpot from nowhere. "Multo!"

Napatingin ang lahat sa amin, sabay wonder around sa paligid ng mga mata ko

Sa paghanap namin kung sino man ito ay napansin namin si manong caretaker na nagaayos ng mga upuan. " Shet si manong lang pala! ".

Sabay tawanan namin, ngunit mabilis parin ang kabog ng dibdid ko at andoon parin ang kilabot.
Tunay na nakakahiya ang nangyari.

Buti nalang at napasigaw ako at hindi ako bumigay. Wiz nila knowing na beki ang lola mo.

No comments:

Post a Comment