Sunday, January 6, 2013

million dollar question

Sa mga taong open ako or alam nila kung ano ang kasarian/preference. Ay lagi nilang itinatanong kung wala ba daw akong balak magkaanak. Hindi ba daw ako natatakot tumanda mag-isa.

Eto lang ang lagi kong sinasagot:

Wala akong balak mag-kaanak ni sa bangungot hindi ko naranasang makipagtalik sa babae. Hindi ko kaya ng mabigat ng responsibilidad of any sort, thats why hindi ako pwedeng magpalaki ng bata.

Hindi ako natatakot tumanda mag-isa, given na yoon. Ang kinakatakot ko ay tumanda ako walang pera. Isa lang ang pangarap ko. Yun ang makaipon ng malaking pera para sa aking pagtanda. Pagtanda ako ay aware ako na wala akong masasandalan kung hindi ang sarili ko. Na maski ilang beses akong maghananp ng magmamahal sa akin o ng mamahalin ko ay wala ring pahahantungan, hangang paghahanap nalang hangang sa huling hininga ko sa mundong ito.

4 comments:

  1. thank you miss philippines,good answer

    ReplyDelete
  2. paulit-ulit lang noh?? hehehehe

    oi, Happy New Year pala!

    ReplyDelete
  3. @ ceiboh: Honga diba hehe. Happy New Year rin Atey!

    ReplyDelete