Thursday, December 27, 2018

twenty seven

Masakit man sa loob ko pero kelangan ko na kayong I-let go. God knows kung gaano ko pinilit ang sarili na kayanin itong trabahong ito, pero di talaga kaya. Gusto ko na talaga ng stable na trabaho. Masyadong mahirap ang trabahong to para sakin at kakambal nun ang hirap i-let go ng mga bago kong kaibigan. Time for some rest. Nanamnamin ko to. I deserve this.

I didn't give up without a good fight. It's not for me...time to move on.

Sunday, December 16, 2018

philippines wins miss universe 2018


All of the hardwork paid off, Hard work ni Catriona at ang lahat ng tao behind her back!

Best christmas gift to us filipinos! Feeling ko aatakihin ako sa puso, at feeling ko rin ganoon rin ang mga milyong-milyong filipino na nanunuuod ng pageant. The reason why Miss World Sabotage you is because you are destined for a bigger crown! Your answers in Q.A gave me Goosebumps! You are very beautiful and intelligent, the perfect miss Universe!

Thank you Catriona! Best Christmas gift ever!
Truly, you sealed it! Power House talaga tayo ng mga beauty queens!

Thursday, December 13, 2018

my prediction to win miss universe 2018


Here is my top 5 possible winners for Miss Universe 2018

5. South Africa-
4. Venezuela-
3. Colombia
2. USA-
1. Philippines-

According sa mga scores nila, malaki ang chance na ma-sabotahe si Catriona. Puerto Rico which is a US territory might win this year.

Saturday, December 8, 2018

jehza mae huelar


Nasabotahe man o hindi, move-on, At least naka top-10 siya! Sayang ang ganda ni Jehza, I hope mag try rin siya sa Miss Earth Philippines and Miss World Philippines. Mukha siyang buhay na manikha.
Pwede rin sana niyang I-represent ang bansa natin para Miss Grand International or Miss International sa 2019

I am really hoping that this is not the end of your journey Jehza, I really see a winner in you.

And as for Katarina Rodriguez who failed to be on the top 30 of Miss World, there still Miss Earth Philippines. Feeling ko kasi ikaw talaga ang totoong nasabotahe lol.

Wednesday, December 5, 2018

so this is how it feels


Ansakit pala sa pakiramdam na nasa hindi maayos na kundisyon ang maski-sino sa pinakamamahal mo sa buhay. Ambigat sa pakiramdam sobra....So this is how it feels.

Tuesday, December 4, 2018

butcher's knife

Parang wala akong natutunan nitong 2 weeks na Technical training, mamya calls na. Ano na ano ng gagawin ko. sabaw na sabaw ako. Bahala na si Batman, goal ko talaga na paabutin until next na sahod. Grabe, mas kinakabahan pako keysa sa mga newbie. Kaya ko ba to'? Well I guess we will see.

So eto nanga, day two: Inatake ako ng hilo after lunch. Diretso sa clinic pero sarado, then diretso sa sleeping quarters, nagising 30 minutes bago mag-uwian lol. Ang sakit sa ulo, kaya ko paba to? Iba na talaga pag tumatanda.

Sunday, December 2, 2018

3:16

Sept 27,2018

Nanaginip ako, na late daw ako for training
and pass 3 a.m nadaw ako nagising, which is 2 a.m ang start ng
pasok ko. Hindi ko lang alam kung anung kinalaman nung tropa ko at kasali
siya sa panaginip ko. Then I woke up after that and shocked to see na late na nga ako at
pasado 3 a.m na! What the fuck..Psychic naba ako? Yung dalawang cellphone ko na si-net ko ng 3 a.m 
parehas di nag alarm ng 12 a.m, which talagang nakapagtataka!

Also 3:16 ay tumatak sa utak ko, which hangang ngayon dijo parin alam ang meaning. I hope I figure up this soon and I
hope na hindi masama ang ibig sabihin ng mga bagay nato.

Friday, November 30, 2018

ahtisa manalo


Ahtisa Manalo, First-Runner Up Miss International 2018.

Diko tanganp na hindi ikaw ang nanalo. #bitter #nowords

Saturday, November 17, 2018

with or without you*****


Yung nilakap mo ako ng pa-simple behind my back.

Yung the way na hilahin mo ako.

Yung the way na hinawakan mo kamay ko as if you want me to hold them longer.

And the way na kinain mo yung yelo sa kamay ko.

Mahal kita, pero alam kong hangang dito lang ako, nothing more.

I will forever love you. I am forever here.

And this song will always remind me of you.

Thursday, November 15, 2018

this guy is inlove you u bro

Alam ko na pa-fall ka. Kung bakit ba kasi tayo naging close. Oh ako lang ata ang nag fe-feeling close? Hirap ng ganitong pakiramdam, yung gustong gusto mo yung isang tao tapos, pigil-na pigil ka sa nararamdaman mo. Hirap, parang umaagos dugo sa puso mo. Pero ganu't paman, maski balik baliktarin ko pa ikot ng mundo mahal parin kita at dimo yun malalaman.

I really love the way I make you laugh, yung with matching luha. Sana mapatawa at mapangiti pa kita. Because it really makes ma happy. I labyu!

Saturday, November 10, 2018

of dead dogs and happy horses

Nanaginip ako ng isang bakanteng lote, sa bakanteng lote ay maraming asong inaagnas. Suddenly ang aso sa ginta ay unti-unting nagkorteng kabayo, hangat nagkabuhay ang kabayo. Sa tapat ng bakanteng lote ay napatingin ako, may roong bahay/kalesa of some sort. Then meron itong bintana sa gitna. At sa loob ng bintana ay mayroong maraming ulo ng masisiglang kabayo. Ako'y nagising.

After a few days ay ibinalita ng aking ama na after a year ay kumakain na ng normal na pagkain ang kapatid kong may problema sa pagiisip. Wala kasi siyang gustong kainin kundi oatmeal at buto't balat na. Ang laki talaga ng significant ng kabayo sa buhay ko. Could it be na ang soulmate ko ay ipinanganak rin sa year of the horse....who knows.

Saturday, October 27, 2018

buena mano de sabaw

Buena manong call. Alam na alam kong bawal, diko maintindihan kung bakit ko ginawa. Naway wag sanang ma pull-up yung call nayun. Grabe, I swear parang nahipnotize ako nung customer. Grabe sana wag ma pull-up yung account! Please sana wag! SABAW!

Friday, October 26, 2018

eva psychee patalinjug


Sayang, Isang misteryo ang hindi mo pagpasok sa semi-finalist ng Miss Grand International. Don't quit Eva! Meron pang Miss Earth Philippines at Miss World Ph. Try nalang ulit next year, sayang ang ganda mo!

Anyhoot, congrats kay Miss Paraguay!

Thursday, October 25, 2018

supersailormoon

Mas ginaganahan/ sinisipag akong magtrabaho nalang kesa maghanap sa online dating sites ng pamparaos/panandaliang ligaya. Tsaka may porn naman. Mas masaya ako at kampante pag meron akong pera sa banko na huhugutin sa oras ng pangangailang.

pag may trabaho ako maski super stressed ay nakakalimutan ko mag isip tungkol sa lovelife

Wednesday, October 24, 2018

hang around for another round

Kung hindi lang dahil sa inyo, hindi talaga ako mag-stay. Ayaw ko talaga nitong account nato'. Ang sakit sa ulo. Pero hangang medyo petiks pa, magtyatyaga ako. Lapit na sahod, limang carwheel nalang at isang malupit na split! Mabuhay ang mga callcenter agent!

evgenia medvedeva

Friday, October 5, 2018

ph wins 5th miss asia pacific international crown



Location: Philippines
Number of candidates: 50
Pageant date: October 5, 2018
Pageant edition: 38th 

Placement: Winner

Congratulations Sharifa Areef Mohammed Omar Akeel for Winning our 5th crown in Miss Asia Pacific International! Congratulations to us the Philippines!!!!!

Muling nanunumbalik ang pageant nato'. ( Formerly know as Miss Asia Pacific Quest ). This Pageant started in 1968. Naway maging bahagi ito ng mga kunikunsiderang major pageants worldwide. Lakas maka Miss India ni Sharifa. lol!

Thursday, October 4, 2018

37th


Happy 37th B-day to me! Dahil busy at pagod sa training ay itinulog ko nalang ang celebration. Ayaw ko rin manlibre, wala rin namang ipanlilibre lol! Wow this is amazing I am officially 37!

Monday, October 1, 2018

thunder 2.8 ( b-day )


Ramdam na ramdam ko na ang pagiging- Thunders-ta-ta-Thunders! lol!

Konting Oras nalang I'm officially 37! Happy Birthday to me!

Saturday, September 15, 2018

the transfer


Ayan na transfer ako ng account. Salamat narin, nahirapan ako dun sa unang account. Hindi talaga ako mag-susurvive dun. Everything is good at this point.

Sunday, September 9, 2018

miss tourism worldwide 2018


Location: Indonesia
Number of candidates: 
Pageant date: September 9, 2018
Pageant edition:  

Placement: Winner

Congratulations Zara Carbonell for Winning our first ever crown of Miss tourism Worldwide. . 
Congratulations to us the Philippines!!!!!

Thursday, September 6, 2018

resume 2018

Can't remember the dates. 6-9 not sure of the exact order. (+): Training only.

[01] Billboard Textron- 2006
[02] Epixtar+
[03] Sterling Global+
[04] E-PLDT Ventus+
[05] Transcom*
[06] Stellar+
[07] Sykes*
[08] Sitel*
[09] Results+
[10] HGS ( Hinduja )- 2011+
[11] WNS+
[12] Teleperformance+
[13] Telus*- 2013
[14] EGS- 2014
[15] IBEX*-2017
[16] 24/7*- 2017
[17] Convergys- 2018 ( currently on training )

Wednesday, September 5, 2018

wild grass


Well andito na naman ako, napasubo na naman, wala kasing choice. Kelangan mag trabaho. Kelangan kumita ng pera. Sana kayanin ko. Sana makapasa ako at sana magtagal.

I'm a wild grass. Charr!

Friday, August 24, 2018

ever the same


Nag-eenjoy akong kantahin ang mga kanta ni Rob Thomas sa Karaoke, madali kong nalalagyan ng emotion, which is very important para mapaganda ang isang kanta. Matagal natong kanta niyang to' pero ngayon ko lang nagustusan. 

Sana makahanap pa ulit ako ng taong mamahalin at magmamahal sa akin. Buhay pa ako and I'm still hoping.

Thursday, August 23, 2018

eto naba talaga... yung totoo?


Eto naba talaga... yung totoo? Pag hindi pa to' natuloy sa lunes ewan ko nalang.

Could it it be, na ikaw na yung trabahong papakasalan ko?

Friday, August 17, 2018

habagat 2018


Thank you Lord, hindi mo pinaabot ng second floor, kung hindi lagot na naman ng malupet.

Aug 11-12, 2018.

Friday, August 10, 2018

i need to be next to you


Yung makailang beses ko ng napagdaan itong pakiramdam nato'. Yung alam mong hinding hindi magiging kayo, pero gusto mo lang malapit ka sa kanya, nakakasama mo siya at clue-less siya sa totoong pagtingin mo sa kanya.

Saturday, July 28, 2018

ph first runner-up in man of the world 2018


Location: Philippines
Number of candidates: 26
Pageant date: July 14, 2018
Pageant edition: 2nd 

Placement: 1st Runner-Up

Congratulations Clint Karklins Peralta for finishing first runner-up for Man of the World 2018. 
Congratulations to us the Philippines!!!!! 

Well hes the obvious winner, but we have to give way. At least Vietnam is a South East Asian Country...well kinda happy parin. Viva SE Asia!!!!! 

Wednesday, July 25, 2018

celine dion live in manila


Alam ko na habang buhay kong pagsisihan ang hindi pagpunta sa concert ng aking numero uno na iniidolo. Nagkataon kasi na wala akong budget eh. Sana bumalik ka ulit and at that point sisiguraduhin ko na makakapanood na ako...by hook or by crook!

Sunday, July 22, 2018

iron butterfly ( reprise )

Maski nagkahiwalay tayo ng sobrang tagal ay hindi parin nawala ako pag-care ko sayo. I still care for you all these time maski na hindi biro yung ginawa mo. Sa nine months na itinagal ng relationship natin ay parang naging bestfriend narin kita and I can't deny the fact that you have a special place in my heart, whether or not friends na lang tayo.

This is the beginning of our friendship. I honesly don't want na maging tayo ulit at this point, although nagpapahiwatig ka ng ganon palagi. Ganito muna tayo, we can have each other without being in a relationship. Marami akong natutunan sa relationship natin. Marami akong natutunan sa pain na dinulot noon, maturity in short.

I don't wanna be hurt again, especially by you.

Saturday, July 21, 2018

iron butterfly ( set free )

After a very long time since nung maghiwalay tayo, andoon palagi yung sakit na iniwan mo. Naka-move on na ako ng 95%, yet 5% na natirang pain and anger and that 5% is very powerful. That have always remind me ng lahat ng masasamang pangyayari. That 5% can suddenly grow to a 100% depende sa mood ko.

Then suddenly bigla kang nagparamdam a few weeks ago, then we became friends. Then miraculously that bullet with butterfly wings na matagal na na-stuck sa puso ko ay bigla nalang lumaya, I felt it in my core.

And I said to myself... Finally closure.

Friday, July 20, 2018

buhay pa ang chiong sisters




Ang twisted ng kaso ng Chiong Sisters, Ano itong mga pictures nato'? Grabe if this case would be a movie then it would be a very good one. Ganoon ba kayaman ang Chiong family para makapag- stage ng isang nakakalokang palabas? At kung ganoon paman ano ang dahilan sa lahat ng ito? Napaka-interesante ng mga magiging kasagutan sa kasong ito. Yun ay kung masasagot pa yun'.

P.s. Kung buhay pa ang Chiong sitsters, then kanino yung katawan ng babae na I-notopsy?

Wednesday, July 11, 2018

let your head go


Ironically, diko inexpect na out of the five Spice girls members, na kay Victoria bekham ang magiging pinaka fave song ko. Totally relate ako.

Tuesday, July 10, 2018

sayang na sayang talaga pt.1

Sayang na sayang ang mga account na inaksaya ko. Kung bakit wala ako sa kundisyon mag seryoso nung mga panahong pinagkaloob sa akin. Ngayon ay hirap na hirap makakuha ng malapit na magpagyratrabahuhan. Tunay na nasa huli ang pagsisisi.....Kung maibabalik ko lang.

Wednesday, July 4, 2018

naniniwala kaba sa forever?


Tanging hiling ko lang naman ay may trabahong mapakasalan. Yung tipong trabahong magstay ako  hangang huling hininga ko, kelangan ko ng continues na supply ng pera, yun' lang naman. hindi naging matagumpay ang pangalawang attempt ko, ang hirap ng exam, pang genius. Naglaho na yung pangarap kong magkaraoon ng work na malapit lang. Palayo na ng palayo. Grabe grabe. Marahil, subalit, datapwat hindi siguro para sakin. This is only the beginning. Naway magbunga ang paghahanap ko ng magandang prutas.

Sunday, July 1, 2018

here we go again...

Eto na naman, walang choice. Kung ako talaga papipiliin ayaw ko na talagang magtrabaho, lalo na kung ang only option ko lang ay callcenter. Gusto ko sana homebase, kaso diko alam kung saan ako makakakuha ng raket. As of this moment I'm clueless but sooner or later, hopefully sana kumita na ulit ako ng pera. Sana talaga naging pensyunado nalang ako habang buhay. Mahirap...mahirap mabuhay.

Saturday, June 23, 2018

ph wins ms landscapes international 2018


Location: Guangzhou, China
Number of candidates: ?
Pageant date: June 23, 2018
Pageant edition: 1rst 

Placement: Winner

Congratulations Karen Grace Atienza for Winning our first ever crown of Ms. Landscapes International, This is also the first edition of this pageant. 
Halimaw talaga ang Pinas' pag dating sa mga pageants!

Congratulations to us the Philippines!!!!!


Friday, June 22, 2018

send me a lover ( rare track )


Oh kay sarap mangarap at umasa na meron pang darating.

Sunday, June 17, 2018

bu-lul ( magandang gabi bayan )



Paulit-ulit ko tong pinapanood. Lagi ko tong pinapanood ng gabi at mag-isa, Grabe, nakakakilabot talaga. Trully spirits can attach themselves to an object.

Friday, June 8, 2018

nelda ibe for miss world ph 2018


I'm rooting for Nelda Ibe for Miss World Philippines 2018.

Such beauty should not go into waste, sayang na sayang!

And with he beauty, I have high hopes na malayo mararating niya ngayong Miss World 2018.

Wednesday, June 6, 2018

ph wins mr universe tourism 2018


Location: Philippines
Number of candidates: 20
Pageant date: May 29, 2018 
Pageant edition: 2nd

Placement: Winner

Congratulations Iion Perez for Winning our first ever crown of Mr. Universe Tourism.
Ang guwapo niya!!!!! Well deserved!
 . 
Congratulations to us the Philippines!!!!!

Monday, June 4, 2018

ph wins mr star model universe 2018


Location: Peru
Number of candidates:15
Pageant date: May 28, 2018
Pageant edition: 1rst 

Placement: Winner

Congratulations Mark Andrew Baron for winning our first ever crown of Mr. Star Model Universe.
And this is also the first edition of this pageant. 

Congratulations to us the Philippines!!!!! 


Friday, June 1, 2018

where the stars shine


Eh di saan pa kundi sa paborito kong lugar..." Starlites " Yun ang takbuhan ko pag gusto ko lang mag unwind o maiba naman kesa magkulong sa kuwarto ko. Nandun lang ako sa isang sulok umiinom ng tatlong boteng Pulang Kabayo. May sariling waiter narin ako, sa tagal ko dun tumatambay mag-isa, I think friend ko na siya maski na we barely talk. Madalas ako dun ng Tuesday. Tuesday na patay na araw, para kaunti lang ang tao. Bihira ako ng Friday o Sabado doon kasi punuan. I really enjoy observing yung samut saring crowd dun. I also enjoy watching yung mga taong kumakanta sa stage, Jina-Judge ko yung galing nilang kumanta mala Simon Cowell, of course only in my mind. Tagal ko ng suki ng lugar nayun, hangang ngayon wala parin akong na-hoo-hook up dun, puro hangang tinginan nalang. Well anyhoot, yun lang.

Sunday, May 27, 2018

ph wins super sereyna 2018


Location: Philippines
Number of candidates: 8
Pageant date: May 19, 2018 
Pageant edition: 2nd 

Placement: Winner

Congratulations Nicole Guevarra Flores for Winning our first ever crown of Super Sereyna Worldwide . 
Congratulations to us the Philippines!!!!! 


Thursday, May 24, 2018

karen ibasco looks stunning


Congratulations to our new Miss Earth PH 2018, Silvia Celeste Cortesi!

Karen Ibasco looks very stunning during coronation night ng Miss Earth PH. sana ganyan yung look niya during the competition of Miss Earth 2017, anyways I am hoping na ibang bansa ang manalo sa Miss Earth 2018, give chance sa ibang bansa na nag-eefort na sumali. Sana rin na mag practice at mag-aral ng mabuti ang ibang deligates ng ibang bansa para bonga ang mga sagot nila sa Q.A. Our deligates here in the Philippines are working hard na manalo and they should do too. Oh ayan ha give way na sa ibang bansa. Maganda ang nanalo sa Miss Earth PH ngayon, yun nga lang kelangan niya talagang mag practice sa pagsagot nya ng mga tanong, infairness to her maski hirap rin siya sa english eh nasagot niya ang tanong.

Wednesday, May 23, 2018

calaguas 2018


Diko inaakalang makakatapak ako sa Calaguas. It was a wonderful experince!

Salamat sa pinsan ko at sa jowa niya kundi dahil sa kanila ay diko ma-e-experience ang paraisong ito.

May, 18, 2018- Overnight sa paraiso.

Tuesday, May 8, 2018

midnight proxima


Everything is getting more complicated, I feel like I'm gonna snap out anytime. Ayaw na ayaw ko pa naman ng stress. May problema nanga sa kapatid kong nawala sa sarili, dumadag pa tong tatay ko na may sakit nanga, Nagawa pang mang-babae. Gusto kong tumakbo ng malayong- malayo, pero maski saan ako magpunta hindi ko matatakbuhan ang mga problema ng pamilya ko. This is it! Entering the constellation of Midnight Proxima. Alam ko na umpisa palang to and things will get worst. Kakayanin ko lahat to', wala akong choice.

This will be an endless cycle of dark loops, Welcome to Midnight Proxima.

Sunday, May 6, 2018

ashes


Really nice, haha nakakatuwa tong music video Ni Queen Celine. Can't wait to see Deadpool 2, I love her new look!

Friday, May 4, 2018

black jesus


Yung natapos mo na lahat ng requirements, nakapag- J/O kana at lahat, sabay hindi kana rereplayan at kokontakin nung kumpanya. May dahilan ang Diyos kung bakit nagkaganoon, marahil hindi talaga siguro para sa akin, sana nga mas better yung work na mahanap ko. I'll just put my fate in God, alam naman niya na I'm doing my very best makahanap ng malapit na trabaho.

Next week, Job hunting ulit!

Thursday, May 3, 2018

happy bday my megasonicwarhead


Naway nagustuhan mo ang munti kong regalo at ma-Inspire kang magsulat ulit.
Happy Birthday and cheers to our 24 years of friendship. Bestfriends for life.
Mabuhay ang mga Butch na Tibam!

Saturday, April 28, 2018

philippines wins miss eco international 2018


Location: Egypt
Number of candidates: 52 
Pageant date: April, 17, 2018 
Pageant edition: 4th

Placement: Winner

Congratulations Cynthia Thomalla for Winning our first ever Miss Eco International crown . 
Congratulations to us the Philippines!!!!!

Talaga namang lalong tumitindi ang pag-hakot natin ng mga korona!
Wala nakong masabi!

Thursday, April 26, 2018

meanwhile in marikina...


There's only two temperature in the Philippines, hot and hotter.



Saturday, April 14, 2018

philippines: 9+ pageant crowns in 2017

Karen Ibasco ( Miss Earth 2017 )

**Wins**
Miss Earth 2017
Miss Hispanoamericana 2017
Miss Asia Global 2017
Miss Progress international 2017
Miss Nature Intercontinental 2017
Miss Asia Pacific World 2017
Mr Gay World 2017
Mrs. Grandma Universe 2017
Miss tourism International 2017

* 1rst runner-up's *
Miss Globe 2017
Miss intercontinental 2017

* 2nd runner-up *
Miss Grand International 2017

* Winner *
Asia's next top model cycle 5

*Plus other minor International pageants

Friday, April 13, 2018

clark hospital


Been here this year but unfortunately we were not alowed to go in.

Tuesday, April 10, 2018

fierce


Para sa mga Anti-Duterte na mukhang kamatis at mga ilong at mukhang cookie crumble ang mga pagmumukha. Pweh! Manigas kayo haha. President Duterte is the best! 

Pweh, ang papangit nyo at ang babantot nyong mga Yellowtards!
Hangang ngayon hindi niyo parin mapabagsak ang presidente, jan kayo magaling ang pagmamarunong at bida-bidahan  ang chachaka naman.

Friday, April 6, 2018

black panther


Bonding with my mother and sister. Iba pinanood nila ako nagsolo sa Black Panther #throwback #movie

Wednesday, April 4, 2018

clearly



Napakalupet ng version ni Grace VanderWaal. Makapanindig balahibo and I can totally relate.
Keep it up! i really love your aesthetic.

Monday, April 2, 2018

why does my heart feel so bad '18



Diko alam kung bakit sobrang bigat ng puso ko. Bukod dun' ay nakakaramdam rin ako ng matinding emptiness, although I already have all the material things that I could ever wish for.
What is it? that deeply saddens me. What is it? that makes me feel this heavy. Alam ko naman na tama ang mga ginawa ko and I could have not done any different. It's just sad.

What's with this emptiness and heaviness. Mabigat sa pakiramdam when you feel nothing inside?

Tuesday, March 20, 2018

ph wins first edition of miss multinational


Location: India
Number of candidates: 14?
Pageant date: february 26, 2018
Pageant edition: 1rst 

Placement: Winner

Congratulations Sophia Senoron for Winning the first edition of Miss Multinational.
Good job Miss World Philippines for picking her to be our representative. Mabuhay ang natural beauty!
 . 
Congratulations to us the Philippines!!!!! 

Sunday, March 18, 2018

binibining pilipinas 2018 crowning moment


I love the result this year! Catriona will be our 4th Miss Universe!!!!!

Saturday, March 17, 2018

pray ( cover )



This song keeps on running in my head. When I'm down and having negative thoughts, this song lifts me up. I'm sorry but I love this version better than the original.

Friday, March 16, 2018

supermoon

Salamat, wala mang akong makaka-date ngayong Valentine's day eh, nag-advance nakong nakadate ka, akala mo hang-out lang pero para sakin natupad narin ang dreamdate ko na masolo ka. Not only once but twice at meron kapang invite na out of town na tayong dalawa lang? Wala ka kasing idea kung ano ang tunay na nararamdaman ko sayo kaya sobrang komportable ka sa akin. Nyahaha salamat ng maraming marami, your time is highly appreciated.

Wednesday, March 14, 2018

super bad moon


Super stressed lately, naway malagpasan ng pamilya ko ang mga suliranin sa buhay.

Tuesday, February 20, 2018

jehza huelar


Ikakasal na siya next year. I am hoping na makasungkit siya ng isa sa mga korona sa Binibining Pilipinas 2018...Hindi dapat maaksaya ang ganda niya...Grand International? Supranational o International ay pwedeng pwede siya.

Monday, February 19, 2018

secret love song**+++


Dahil hangang sa daydream nalang kita...Hindi naman ako umaasa ang tanging gusto ko lang eh isang mahigpit na yakap galing sayo, para mabawasan manlang ang yelo sa katawan ko. Maski paminsan eh hindi ko gusto the way na tratuhin mo ako. Ganun paman maski medyo may pagka salbahe ka sa akin eh wala akong magagawa.

Eto lang talaga yung kanta na naalala kita.

Sunday, February 11, 2018

no more i love you's


It hurts so bad that I can't find any word to describe how I feel. Lilipas din to' and I will be a better stronger smarter person. In time it will be my turn to be happy.

Thursday, February 8, 2018

black moon

Although it breaks my heart and soul not to hear from you, I have to stop this it hurts more na nakakausap at nakakasama kita kesa pag nawala kana. It's time to break whatever ties I have with you. I have to focus my energies on more important things than this fantasy that will never happen. If only pwede lang pigilan ang puso na para hindi ma-In-love. I need to start moving on maski na bleeding pa puso ko sa hirap. This is the right thing to do, The only thing to do.

Ayaw ko napo talaga...I don't deserve this.

Sunday, February 4, 2018

blue moon

Yung sobrang saya ko pag nakakasama ka pero sobrang sakit din kasi may syota ka at lalo pang masakit na panay ang kwento mo tungkol sa kanya. Ikaw kasi sama ka ng sama sa akin maski na hindi naman kita niyayaya. Pero ganoon paman maski malabo na mayakap at mahalikan kita ay mahal na mahal kita, kaya mas pipiliin ko na ganito nalang tayo.....

Thursday, February 1, 2018

blood moon

Yung alam mo sa sarili mo na " It's too late na makahanap kapa ng magmamahal sayo " At pilit mong tinatangap sa sarili mo na naiwanan kana ng huling biyahe,( bigat sa dibdib ) Pero anjan parin yung puso mo na laging nagaasam na makaramdam ulit ng pagmamahal. Ang hirap, Lalo na kung sa kasalukuyan ay involve ka sa isa mong friend at wala syang kamalay-malay. Inlove na hindi umaasa. It's very very complicated, magulo, kasing gulo ng nararamdaman ko para sa kanya.

Thursday, January 25, 2018

katarina rodriguez


Katarina Rodriguez, first runner up in Miss Intercontinental 2017.
Like Nelda Ibe siya talaga dapat ang malinaw na nanalo. Our Candidates and their respective organizations are putting so much hard effort only to be cheated.

Masanay na tayo ng ganitong eksena, walang patas sa mundo ng pageant lol.

Saturday, January 13, 2018

rise catriona gray!


Miss World may have robbed you of the crown, but your back and this time to conquer the Universe!
Kabahan na at mag-back out na mga candidates ng Binibining  Pilipinas, may nanalo na!

Philippines should stop sending candidates to compete for Miss World!!!!!

Monday, January 8, 2018

achievement unlocked


It's nice na nakatapos ako ng isang project based na work. Mahirap pero I did it. Ilang beses narin ako nagkasakit ng kung ano-ano, pero natapos ko, maski na feeling ko mamatay na talaga ako sa puyat. Pumapasok ng masama ang pakiramdam, isina-alang alang sa ngalan ng pera, because pera is werpa!

Mas motivated ako na kumita ng pera this year. Hanap ulit ako work after 2 months ng plano kong intensive rest. Wala akong makabuluhang gawin this year kundi ang kumita ng pera at makaipon para sa kung ano man. Nanamnamin ko tong 2 months kong werpa na bakasyon. Then, alam na....

Wednesday, January 3, 2018

beuna mano

Yung nagka-trankaso ka sa unang araw ng taon. Tapos pumasok ka sa trabaho nang may trankaso, yung dimo alam
kung pano mo natapos yung isang buong shift. Naway maski gaano maging mahirap tong taon nato ay malagpasan ko lahat ng hardships.
Tapos nung pag-uwi mo ay malalaman mong na-ospital pala kaisa-isang pamangkin mo.