Friday, December 5, 2014

charity


Bago kong motto sa buhay. No more hoarding for me!

Wednesday, December 3, 2014

strange foreign beauty


Stangely kung sino man tong bilat na nasa picture nato ay kamukha ko. Nagulat ako kung una kong makita ang picture na ito.

Tuesday, December 2, 2014

philippines wins miss earth 2014

After a phenomenal year for the Philippines in 2013. Jamie Herrell from Cebu wins Miss Earth 2014.

Lakas talaga ng kutob ko na sya mananalo. Shes soo beautiful and very deserving of the crown! Gilas Pilipinas!!! Pag ingatan ang korona it will be a long busy year for the reigning Miss Earth. Madami bitter sa pagkapanalo nya kasi home court advantage. Ito lang ang masasabi ko. Philippines own Miss Earth and we can win every year if we want. Katulad rin lang ng Miss Universe yan na U.S.A ang may hawak at nananalo sila kung kelan nila trip.
Maganda at deserving si Jamie Herrell kaya ito lang ang masasabi ko sa mga bashers: Mamatay kayo sa bitterness haha! Hindi nyo ba nakikita kung gaano sya kaganda?

Saturday, November 29, 2014

HAHA


Parang ganito lang ang reaksyon ko tuwing ma teterminate ako. Sa totoo lang mas masaya pa ako kesa malungkot haha! Kaloka lang.

Thursday, November 27, 2014

forever blue

I used to love the color green, Green used to be my #1 favorite color. Lahat ng shades ng green gusto ko. There is a meaning sa Psychology pag favorite mo ang green, yes it's true it trully reflects my personality.

Time passed and I feel a strong growth, I felt na nagmature na ako lalo. Although I still love the shade of green but now I have a strong liking sa color blue. Specially Royal blue. Siyempre sa Psychology ay iba na ang ibig sabihin ng blue. This is a good sign for me that I am truly a change person in some ways.

Green is a cool relaxed color as well as blue. With blue being my new #1 color ay mas kalmado, stronger, more compassionate and understanding.

Here are my 5 most favorite shades:

#1- Blue
#2- Green
#3- Pink
#4- Black
#5- Red

Wednesday, November 26, 2014

41st floor

Someday I wanna know what it feels like to be on top of the world.

One again I find myself in some weird but beautiful place. In my endless search in this thing called Love.

Wednesday, November 19, 2014

Sunday, November 16, 2014

time bomb

I'm doing my very best to stay here in this company. Pero hindi ko na talaga kaya. Ayoko na talagang maging agent at tumangap ng calls. Purgang- purga na ako no matter how hard I try. Anytime ay mag-aawol na ako. Maglalaho na lang parang bula. Hindi ko na talaga kaya. Ayoko na ng trabahong ito.

Makikipagsapalaran nalang ako at maghahanap ng normal na trabaho sa opisina. I never tried it before. Maybe it's time.

Been to this situation countless times.

Saturday, November 8, 2014

bigyan sila ng jacket

Nakapagtataka. May mga nahuhumaling parin sa taglay kong ganda.

May nagkakagusto parin. Maski na most of the time ay pakiramdam

ko na ang pangit pangit ko at walang sino man ang magkakagusto pa sa akin.

Salamat sa inyo. Maski papaano, pamisan-minsan ay ipinararamdam nyo sa akin

na maganda ako. Pero hindi ko magawang mag sink in sa akin. 

Friday, October 24, 2014

lolo " D "

Rest in peace lolo D. 

Pasensya na po, due to work hindi ako makakauwi dyaan sa Bicol. 

Alam ko po na nasa langit na po kayo.

Everyone will remember you by your Cowboy outfit: hat, boots and all.

You were a business man until your very last days.

You will forever be in our hearts.

Tuesday, October 21, 2014

il mago

Once again nakahanap na naman ako ng mga kalaro ng Magic the Gathering dito sa bago kong kumpanya.

May naturuan na akong isa at nagbabalak na syang mag construct ng deck. I am soo happy 

na napapalagananp ko ang all time favorite game ko.

Sunday, October 12, 2014

[20] EGS

It's official I am now an employee of EGS Cubao. Just finished my orientation yesterday.

New faces, new characters, new friends.

Been in the industry for like forever. I am hoping, wishing with my fingers crossed that this is it pancit.

Wednesday, October 8, 2014

languishing*

Habang nasa jeep: Naranasan mo naba na imbes na " bayad " ang nasabi mo ay " pabili "?

Ako Oo.

Nakakahiya, Awkward and super weird nang feeling.

Nangyayari yun dahil sa sobrang dami ng iniisip ko ay natutulala ako at kung ano nalang nasasabi ko.

Hindi ako capable magisip ng mga komplikadong bagay. Nagshoshort circuit ako.

Thursday, October 2, 2014

astigmatism 33***


Happy 33th Birthday to me. Well pinagkalat ko na na walang party o inuman. 

Walang party pero nalagasan ako ng 3K nagpunta ako sa eye doctor at nagpagawa narin ng salamin.

500 php eye doctor
2,500 php prescription glases.

Akala ko may katarata na ako pero astigmatism . Kala ko mabubulag na right eye ko. Ganun sya kalabo na wala na ako halos makita.

Well I have to live with it at rest my life. My left eye is still in very good condition ( Thank you lord ).

Mahirap tangapin na may deperensya na isa sa mata ko at mahirap rin tangapin na 33 na ako. Pero dapat laging thankful at happy specially sa spacial day ko nato'

Happy Birthday my dear self!!!

Friday, September 26, 2014

tambolina jolie


Dalawang araw nako napagkakamalang babae. Yung isa kahapon  sa LBC Riverbanks at yung isa kanina sa LBC Sta Lucia Metro East. Nung nagsalita lang ako tsaka lang sila natauhan na lalake ako. Gwapo pa naman nung isa. Hayst tsk!

Ano ba suot ko?

Large polo shirt
Bullcap
Large cargo shorts
Sneakers

Paminsan minsan ay npagkakamalan talaga akong babae. Mukha akong tibo/ tiboli/ tiburcio. Well ganun talaga wala na akong magagawa. Diko sure kung masisiyahan ba ako o malulungkot.

Walang kinalaman ang creepy na picture ng stufftoy nayan sa post nato. Stufftoy yan ng pamangkin ko. Natuwa lang ako at kinunan ko ng picture. Creepy diba?

Oh by the way kinamusta ko yang stufftoy nayan. Natapon na daw. Diko rin sure kung masisiyahan ba ako o malulungkot.

Thursday, September 25, 2014

the act of letting go



Hindi talaga tayo pwede, kala ko may nararamdaman ako sayo. Wala pala. Sorry It had to end this way. Nag enjoy ako sa date natin. It was the best I had for a very long time. We watched Beauty and the Beast movie. I will always remember you sa movie na yun. We did not end well but I sincerely wish all the best for you. Stop being bitchy and angry.

I rather be alone or I rather be friends with you.  

Wednesday, September 24, 2014

super mario




Ang daming liligpitin at lilinisan. Thank God na mababaw lang. Hangang dib-dib ang tubig sa kalsada.

Wednesday, September 10, 2014

fairy

Enough said fairy I'm a fairy according to the quiz.

A practitioner or magic, you were blessed with the ability to attain objectives or acquire wisdom using supernatural means. You are both the master of illusion and creation. Your powers can transform beings and objects into their most desired form, or their harshest nightmares.

You don't need to be a mythical creature to have supernatural powers. This is an accurate reading of my power.

Sunday, September 7, 2014

polka-dots


Sept/07/2014

It was around 1 a.m ng makaramdam ako ng matinding kilabot. habang nag soundtrip at nagsurf sa web dito sa kuwarto. Panay ang tingin ko sa kaliwat kanan ko habang patuloy ang pagbayo ng music sa earphones ko habang tutok sa facebook. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hangat kilabutan ulit ako. The feeling of uneasiness. I decided to stop what I'm doing at dumeretso na sa kama upang matulog. I can't fall asleep with the lights on. So maski na kinikilabutan at napaparanoid ay pinatay ko ang ilaw.

And so I dozed off after several minutes.

Sa kasarapan ng pagtulog ko ay bigla nalang akong nagising.

Pag mulat ng mata ko ay may tela na polka-dots sa nakalutang sa hangin. may itim na buhok na kulot kulot sa head part nito, nag fade at nawala ito ng sobrang bilis. It was a split second before I screamed and I swear I never screamed so hard in my life. Its was around 2:30 am. Pawis na pawis ako at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at panay ang sulyap ko sa mga salamin sa kuwarto ko, baka magpakita. Ayokong magtago sa kumot at baka may kumalabit sakin. Mas gusto kong magmasid sa paligid sa gitna ng dilim. I was afraid to go back to sleep sa takot na magpakita ulit kung ano man yun. After several minutes ay nakatulog ulit ako.

This is so far the scariest piece of shit na naexperience ko. I do not know what it is. I am 101% sure that it was not a dream. I am so scared of going to bed tonight. For the fist time in centuries I will pray tonight before going to bed.

Saturday, September 6, 2014

that rainy night

All I ever wanted was a second time. Akala ko hindi na ako maiin-love then you came. Then after the strong rain you left me there broken.

I gotta be a honest, I think you know. Your a God. You are everything that I could never have.

Tuesday, September 2, 2014

gilas pinay

Enough said... there is so much to expect for the next coming months!!!

Friday, August 22, 2014

miss earth 2014 prediction

I have this strange feeling that Stephanie De Zorzie of Venezuela will once again win Miss Earth this 2014.

Miss Earth 2013 winner is Venezuela. Alyz Henrich.

Well wala na tayong magagawa. Todo effort ang Venezuela kaya naman wala nako masasabi.
The question is. Will Miss Earth allow Venezuela win again this year? Well, we will see...

I just can't wait!!!

Wednesday, August 20, 2014

give me back my wings

Sorry sa masasamang nasabi ko at nagawa. Hindi ko sinasadya. Naramdaman ko lang kasi na walan kana ng interes sakin. Kaya ako nainis at nagalit. Hindi ko dapat ginawa yun lalo na alam kong wala ka naman talagang nararamdaman para sakin. Dapat binigyan kita ng maraming space.

Sorry talaga. Masyado lang akong na obsess sayo nun mga time nayun. Gusto ko lang mag move on ng walang galit at bigat sa dibdib ko. I understand kung hindi mo na ako mapapatawad.

Godbless and Best wishes.


Parehas lang kaming may kasalanan. To move on I have decided to write him a final letter. He stole what's left of my heart and left it broken. I want my wings back. Although it may take time. To move on I need to let go of my anger and bitterness

Monday, August 18, 2014

ngayon na!


Ngayon na! Magsimula kana ngayon, hindi pa huli ang lahat! Manalig ka!

Isang buwan na naman ang inaksaya mo!

Saturday, August 9, 2014

morning blue


Ayoko na. Pagod na pagod nako.
Walang katapusan.
Pa-ikot-ikot.
Alam ko namang wala naman talaga akong mapapala.

Wednesday, August 6, 2014

erase and rewind ( the cardigans )


Here's one of my most favorite songs from The Cardigans. I used to have this album " Gran Turismo ". Kaso na Ondoy. Sayang.

Tuesday, August 5, 2014

alone somwhere


Bakit ng ng umalis kana ay bigla akong nalungkot.

Sandaliang ligaya.

Maski nagmamadali ka ay nagstay parin ako at inubos ko ang natitirang mga oras.
Mahal ang bayad dika man lang naghinayang.

Friday, August 1, 2014

thundercats: thundertank and snarf


Thundertank and Snarf: Original price around 2500php 
                                                   Sale Price 500php

Sunday, July 20, 2014

bahay sa alapaap





                                     







Kahahanap sa Mines view Park ay naligaw kami. Nakarating kami sa pinakatuktok ng isang bundok.

Must Visits: Mines View Park, Burnham Park and Camp John Hay


Someday makakabili rin ako ng bahay sa alapaap.

Monday, July 14, 2014

pulang daga, paracale, cams norte 2014












                              From this beach ay tanaw ang Calaguas Island.

Saturday, July 12, 2014

Thursday, July 3, 2014

megan young

Nag-aral rin pala sa school ko Trinity College of Asia si Megan Young. Kaso hindi ko na sya naabutan 2006 ako grumaduate.

Yung lalakeng katabi ni Megan ay Dean namin siya rin ang nag-post nito sa fb.