Monday, October 22, 2012

tatlong pulang kabayo

Masasabi kong isa lang ang alam kong lugar na puntahan. Hindi ako mahilig mag mall o manood ng sine. I prefer to watch dvd sa bahay. Starlites bar lang ang alam kong lugar. Once or twice a week ako pumupunta dito magisa, bihira na may kasamang friend. Diko kasi ma predict kung anong araw ako totopakin pumunta dito kaya most of the time alanganing araw. Sa aking pagiisa  ay madyo marami na rin akong mga nakilala dito. Funny na wala pa akong nakakasex ni isa sa kanila for whatever my reason. Dito ako nagiisip mag isa- nagmumuni muni, dito ako lumalaklak ng alak magisa. Most of the time kausap ang sarili without making a sound. Dito sa lugar ako nagiisp nagplaplano. Wala narin akong pakialam sa mga waiter, sanay na silang mag-isa ako. Dito ko nililibang ang sarili ko sa panood ng mga kumakanta sa stage at sa panonood ng mga taong nagdidisco. Masaya naman ako lagi maski walang booking,  Pag naiinis ako sa sarili ko o sa mundo, pagna stressout ako or matinding boredom at dito ako nagpupuyat. Tanging companion ay ang tatlong bote ng pulang kabayo at isang platitong mani na libre. Hangang may Starlites hinding hindi ako hihinto na pumunta dito. Parte na sya ng buhay ko. Bumisita ako sa P1 kagabi at masasabi kong lubog na ito. Starlites na ang bagong Starship.

Tatlong pulang kabayo lang kasi ang maximum ko bago ako tuluyang malasing.

No comments:

Post a Comment