Thursday, February 28, 2013

malas at bawal na bawal pumatay ng pusa

12:00 ng tanghali out ko sa work, lang hiya, hang enet powtek. Naka formal ware pa ako, mandataory, prom night kuno ng account namin. Di naman ako nag-enjoy, yung mga superiors lang, habang kayod kalabaw kaming mga agents sa walang hintong calls, ni lunok ng kape imposible. Habang nag ko-kolls pa ay may nag vivideoke pa sa back ground, prom na prom, videoke? Hagang 13 nalang ako at mag aawol nako. Ayoko na. Paubutin ko lang ng sunod na sweldo. Pauwi ay nag book hunting ako sa Cubao. Booksale at National bookstore ako nag-hunting. Mahal sa National kaya naman katulad ng nakagawian ay nakahanap ako ng sa Booksale. Pag-uwi ko jan sa may Baranka may tatlong Jeep na nag salpukan, yung isa wasak, yung dalawa nadamay lang. Grabe katakot, kung napaaga lang ako ng uwi ay baka nasakyan ko yung isa sa tatlo. Kalurkey. At jan naman sa kanto namin ay may napansin akong bayong. Ang laman. Tatlong patay na full grown na pusa. Malamang nilason. Grabe, napaka heartless ng gumawa nun'. Halata namang nilason.


Bihira lang kaming mag-away ni Itay, at isa pa sa mga naging sanhi ng pagaaway namin dati ay ang pagpatay niya sa dalawang pusa sa loob ng bahay namin gamit ang isang pat-pat. Dayo lang kasi ang mga pusang yun at nawili sa pagtangay ng ulam namin. Sigawan talaga kami ni pudra. I do not tolerate animal killing. Sobrang mali yun friend.

If you can't tolerate our furry friends there's many of ways of humanely disposing them.
Definitely not by killing them!!! Okay?

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Mamalasin daw pag pumatay ka ng pusa maghihirap daw which based on what most people observed totoo daw. May taga sa amin kasi na pumatay ng pusa at naging isang kahig isang tuka nalang sila ngayon dati mayaman sila.

    ReplyDelete