Friday, May 3, 2013

operation smile

And yet, eto na siguro ang record breaker sa lahat ng ginastusan ko. Pinaka malaking amount sa isang bagsakan, Hangang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nakapaglabas ako ng ganong kalaking halaga. Knowing myself na isang major kuripot. Most of the people I who know told me that I've been ripped off.
Oh well it was so worth it at wala akong pagsisisi maski kaunti.


Third year hayskul ,1998 pa lamang ay naka pustiso nako. Dentures, Falseteeth or whatever you want to call it. I am not ashamed since its obvious. After 15 years ay nag retire na ang Pustiso na araw araw kong kasama. 15 years, bago napaltan. Hindi ko inaakala na ganoon pala kamahal magpagawa ng bago kasama na ang pag bunot sa dalawa ko pang ngipin sa taas na bahagi. Yung isang ngipin hindi pa dapat bunutin pero pinabunot ko na ang sakit kasi pag cleaning. 

Again, It was so worth it. You know why? Sa sobrang ganda ng pagkakagawa ay walang makapagsasabi na meron akong suot na pustiso. Hindi pa magaling ang gilagid ko until know. I can't wait. Kasi hindi pa tapos. Ang Pagdurusa ko. Papastahan ang dalawang ngipin ko at general cleaning which is sobrang sakit sa isang katulad ko na biniyayaan ng mahinang ngipin. Well of course I coudnt blame my parents because they suffered the same fate. It's genetics at masking anong alaga ko ay mabilis na nabubulok ang mga ngipin ko. You can't avoid sugar that's for sure. Sa lagay pa na ito na wala akong hilig sa matamis na pagkain. Ganoon talaga ang buhay and I have to live for it for the rest of my life. I am just praying na sana tumagal ng 5 years ang bago kong dentures bago paltan. Ang mahal talaga eh. Kaloka!

Two of my upper front teeth are long gone since 1998.

Sa mga pinagpala na biyayaan ng maganda at matibay na ngipin. Pangalagaan nyo ito ng husto. Ito ay kayamang tunay.

Pag galing ng gilagid ko ay cleaning ang sunod. Mas gusto ko pang bunutan ng ngipin kesa cleaning. Why? Sobrang sakit to the point that it is incredibly painful. Sagad sa buto. Sana pumayag ang dentista na saksakan  ang buong gilagid ko ng anestisya.Katulad ng ginagawa nung dati kung dentista. Maski mag bayad pako ng sobra sobra.

" I am no longer ashamed of something that's obvious 
......but its no longer obvious. Haha " Galing ng dentista ko. Magic. Pak! I can't believe that I waited this long para maka smile ulit with matching gilagid.

" Bes, grabe ka naman makangiti sa mga pictures mo para kang asong labas lahat ng ngipin. "
" Bes, ngayon lang ako nakangiti ng ganyan ka bonga after 15 years, pansinin mo lahat ng pictures ko before walang ganyang ngiti. "

No comments:

Post a Comment