Wednesday, May 14, 2014

katas

Naalala ko lagi ang isang propesor ko noong college na itago nalang natin sa pangalang Mrs. Kastanias. Prof ko siya at the same time head ng Masscom Department. At that time ay dalawa sa mga major subjects ko ay siya ang guro.

Tuwing maliligaw ang topics namin sa mga OFW's ay laging nababangit ni Mrs. Kastanias kung gaano siya nandidiri at nababaduyan sa mga Jeepney na may mga nakasulat na "Katas ng Saudi" sa mga bahagi nito. During the times na nababangit niya ito, na mga ilang beses in several occassions ay kitang kita ko sa mukha niya na inis na inis siya. Ako naman ay namamangha lang sa reaksiyon niya, dahil hindi siya maka get over dito.

Kaya naman pag traffic at nasa look ako g jeep ay lagi akong nagiisip what if pag nagkaroon ako ng sariling jeep ko ay pangalanan ko ng..."Katas ng Singit".

Haha. Wala lang masulat.

No comments:

Post a Comment