Thursday, October 14, 2010

boarding house

1964 Labo, Camarines Norte.

Nagtrip ang tatlong magkakaibigan: pawang freshmen pa ang magkakaklase sa hayskul, Isang mainit na tanghali ng napagdiskitahan ng tatlong dalagita na maglaro ng spirit of the glass sa second floor ng isang lumang boarding house, 1964 at marahil hindi na nakatayo ang boarding house sa kasalukuyan. Ayon sa source ay bakante ang second floor ng boarding house, ang first floor lang ang may mga nangungupahan. Wala sa tatlo ang nangungupahan dito at nagpaalam lang sila sa may-ari na titingnan lang ang lugar,

Nagsimula na ang pagtritrip ng tatlong dalagita na sina Marnie, Evelyn at Myrna. Sa una ay suwabe ang laro, nagtatawanan pa ang tatlo dahil ang akala nila ay isa sa kanila ang nagtritrip na namumuno sa pagalaw ng baso, pawang mga patay ma tao ang binabangit ng board, nagtatawanan pa ito dahil it's either sa kanila o lahat sila ay kilala sa mga pangalang binabangit ng board.

"Ay kilala ko yan"
"Ay ako rin"

Nagtatawanan pa ang mga magkakaibigan.

Biglaang bumilis ang pagikot ng baso.

"Aggressibo ang pagikot ng baso, kakaiba halos maiwanan na ang mga daliri namin"

Inisip parin nila na isa sa kanila ang gumagawa nito.

S-A-T-A-N; ang huling inispel ng ng laruan nila.

Napahinto at nagtinginan ang tatlo.

Sa mga sandaling iyon ay malamang na natangal ang mga ngiti sa mga mukha nila.

Biglaang bumulusok ang baso diretso sa sahig.

Nabasag ito.

Diretso takbo ang tatlo papalabas ng lumang boarding house.

Isa sa tatlong dalagitang nabangit ay ang taong nagbigay buhay sa akin.

10 comments:

  1. kakakalowkaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

    ReplyDelete
  2. Puwedeng puwede ka na sa horror genre! Come to think sis, wala pang blog na puro tungkol sa kababalaghan lang!

    ReplyDelete
  3. My mom played spirit of the glass with her childhood friends, and ang lumabas eh "Jose Rizal". Ewan ko kung barbero lang ang nanay ko.

    ReplyDelete
  4. ahahha hmm we also tried this nung hiskul ako, gumalaw ung glass pero parang tinutulak lng ng friend ko kc bwahahhaa :P

    and tama c Joms - ikaw na ang HorrorBlog King LOL

    ReplyDelete
  5. @ nimmy: hehe
    @ mugen: oo nga noh, sige, marami pa akong stories to share!

    ReplyDelete
  6. @ Ryan: haha!
    @ sotero: Para pala akong si kris aquino, horror queen hehe : )

    ReplyDelete
  7. haha, natawa ko sa horror queen na reply mo.

    pero ayoko magtry ng ganyan. baka mamaya pangalan ko lumabas... mas katakot ata un. lol

    ReplyDelete
  8. @ Ced: Pano nga kung pangalan mo ang lumabas no? :| Tutumbling talaga ako palayo sa ouija board nun. Haha.

    ReplyDelete
  9. @ Papi: haha..oo ngaq noh, creepy pag pangalan lumabas hehe.

    ReplyDelete
  10. @ ryan: Haha, ako siguro, hindi nako makakatumbling nun, baka himatayin lang hehe : )

    ReplyDelete