Friday, August 19, 2011

knock on the earth

I had a dream last night. Usually pag nanaginip ako ay malabo at usually wala na akong masyadong matandaan, kung baga ay bihira lang akong managinip ng malinaw.

Sa panaginip na ito ay ramdam na ramdam ko ang takot at hopelessness; lilindol daw ng sobrang lakas dito sa pinas at sa TV ay ipinakita ang listahan ng mga pinaka-masasalantang lugar. At ang Marikina ay nasa top 10. Top 8 sa aking panaginip. Specific rin na binangit ng reporter na 2012 daw ito magaganap at ang death toll ay aabot katumbas ng sa Tsunami sa Japan na lumagpas na sa 18,000 na buhay.

Kumatok na ako sa kahoy, kumatok narin ako kung saan saan at siyempre kumatok rin ako sa lupa. Maski masamang panaginip lang ito ay labis akong natakot.

4 comments:

  1. Nakakatakot nga. Kamusta ka na sis? Hope you're feeling much better.

    ReplyDelete
  2. @ mugen: Mabuti naman ako sis' eto enjoy parin sa pagiging Jobless : ) Thank you : )

    ReplyDelete
  3. katakot naman yan. kung di binabaha, ngayon naman lilindulin. have a good weekend sis.

    ReplyDelete
  4. @ sean: Thank u Sean, u too have a safe weekend.

    ReplyDelete