Wednesday, October 12, 2011

heroe

Gabi na ako nakapag-Gym. Habang pa-uwi na, Ay may nakasabay akong mag-Aama.

Nauuna ang tatay at ang nakatatanda niyang anak. Habang nasa likod nila ang maliit na batang lalaki,mga 3 or 4 years old.

Nakatingin ang bata sa may bintana ng isang tindahan habang naglalakad. katabi ng tindahan ay isang Creek or Canal.

Nang mahuhulog na ang maliit na bata sa creek ay hinatak ko ang braso nito. Habang sinungaban rin siya ng ama niya.

Sabay kami ng kaniyang Ama. Ngumiti lang ang ama nito sa akin. Marahil nagpapasalamat.

Muntik na yung bata. Things could have gotten worse. I felt like a hero.
==
Naalala ko tuloy nung tinulak ako ng kalaro ko sa Creek nung akoy maliit pa. Na-Nagsanhi ng malalim na sugat na muntik nang mag-penetrate sa utak ko.

Naalala ko pa yun. May-inaabot akong Gumamela nang ako'y

maitulak. Hangang doon nalang and naalala ko. Ikinukuwento nalang sa akin

ng mga tiyahin at tiyuhin ko na natusok nang bubog ang pinakataas ng anit ko
( boundery ng noo at anit na nagmistulang hulugan ng tokken )

Kinukuwento ni Mama na halos mawarak ang bakal na sinusuntok ni Papa sa Ospital

habang tinatahi ang noo ko. Wala nakong masyadong maalala sa tinatahi incident

2 comments:

  1. di ko ata kayang magka-anak. praning ako sa safety ng mga bata lalo na sa panahon ngayon.

    ReplyDelete
  2. @ sean: hehe, honga hirap magpalaki ng anak sa mga panahon ngayon : ) Thanks.

    ReplyDelete