Friday, November 9, 2012

kristeta ( the ball )


Grand ball, habang ang lahat ng mga prisesa ng kaharian ng Tra-Lalah ay nagtipon-tipon para sa anual ball na dinadaos tuwing lingo. Anjan si Cinderella, Snow white at sleeping beauty at sa kabilang banda ng ballroom ay kaaway nilang mga prinsesa na sina Pocahontas, Mulan at Red Riding hood na walang inaatrasan kung baga matatapang. Ngunit hidni tungkol sa kanila ang Istoryang ito. Tungkol ito kay Kristeta. Si Kristeta ay  ang wicked step sister ni Cinderella. Di katulad ni Cindirella na sikat at ubod ng ganda si Kristeta ay ordinaryo lang ang hitsura ngunit maski ordinaryo lang ang hitsura niya ay may taglay siya na kakaibang karisma at mali rin ang naisulat sa kanya sa mga fairytalebooks dahil hindi naman masama ang ugali niya at sa totoong buhay ay hindi hinahabol habol ni Kristeta ang prinsipe dahil masyadong praktikal si Kristeta na maghabol na isang taong alam niyang wala siyang pag-asa.

Ang mga barkada ni Kristeta ay si Ursula ( Matabang Octopus Queen )at ang nagiisang transgender na sa prinsesa na si Ariel ( The little mermaid ).

Kasagsagan na ng kalasingan sa ball at ang lahat ay nagsisihanapan na ng malalandi. Medyo tipsy narin ang barkadahan ni Kristeta. Moment na maghanap ng malalandi. Habang todo ikot ang tatlong magkakaibigan. ay biglaang nakatapak ng shellfish si Kristeta. Dumalusdos siya accross the ballroom at sabay salpak ng mukha niya sa salad sa lamesa.

Sa gitna ng halakhakan ay napansin niyang nasa balkonahe si Cinderella together with her friends ( Snow white at ang sleeping pills princess na si Sleeping Beauty ). Sige ang tawanan ni Cinderella and friends habang hawak ang isang bowl ng shellfish.

Sa loob loob ni Kristeta " Sumusobra kana Cinderella, panahon na para gantihan kita. Umuwi si Kristeta na puro mantsa ang damit. Tinawagan ni Kristeta ang kanyang mga berks gamit ang kanilang magic mirrors.

Ursula: Sumosobra na talaga yang stepsister mong si Cinderella ang lakas ng trip!
Ariel: Korek!
Kristeta: Yes, napaka sinungalin niya kaya ayan ang sama ko tuloy sa mga fairytale books, porque maganda siya ay siya na ang pinaniniwalaan. Hmmm Panahon na para kumunsulta kay Geneva Toots!!

To be continued....

2 comments: