Sa isang planeta ay nagkakagulo ang mga nilalang nito. Nakatingala ang lahat sa langit dahil sa kakaibang kulay nito. Maya maya pa ay isang maliit na kislap ang sumaboy sa langit, mistulang paint na pinatakan ng tubig ang hitsura nito. Nagilalas ang mga nilalang ng planeta.
Maya maya pa ay bumulusok ang isang puting bola sa himpapawid. Nagliliyab ito ng apoy na kulay puti.
Naglanding ang bulalakaw na itlog sa isang disyerto. Pagbagsak nito sa lupa ay nagsanhi ito ng isang series na maliliit na lindol sa mga kalapit na lugar. Pagkatapos pa ng ilang minuto ay nagyelo ng bahagya ang kapaligiran.
Dahang dahang bumiyak ang itlog. Habang bumibiyak ay lumalabas dito ang kakaibang puting liwanag. Dahang dahang tumayo ang isang figure. Wala itong mata, wala itong ibang kulay kung hindi puti. Isa lang siyang mold na binase sa isang manikha.
Nakatingin lang ang manikha sa langit. Sa kanyang labis na pagkamangha ay hindi siya gumagalaw habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa kanyang harapan.
Kasabay nito ang pagmukadkad ng bagong breed ng puting bulaklak sa paligid ng kanyang shell.
No comments:
Post a Comment