Saturday, March 3, 2012

split second

Kagabi ay niyaya ako ni kaibigan R at Gf niya na mag KTV somewhere in Metrowalk. Masaya at sulit ang dalawang oras namin doon. Pawang nagka-amats kami tatlo. Pero si kaibigang R ang nakarami gawa ng pre-occupied ako sa pagkanta kesa paginum. Ayaw ko rin malasing.

Habang pauwi ay nagmala The fast and the furious si kaibigang R sa kalsada. Ako naman ay too cool to care gawa ng nakainum ng kaunti at sobrang antok na.

Inihatid nila ako sa bahay dahil magkapitbahay lang kami ni kaibigang R.
Pagbaba ng paa ko sa sasakyan ay naramdaman kong sumayad ang jogging pants ko, ramdam din ng balat ng ankle ko ang gulong. Nag snap out si kaibigan R. Buti nalang kasi kung hindi within split seconds ay nauwi sa trahediya ang lahat. Alam ko na kung umabante pa siya ng kaunti ay Nadurog ang ankle ko at ang buo kong paa. O mas malala pa ang nangyari.

Laking pasasalamat ko na Diyos. Hindi ko maimagine ang sarili ko na mawalan ng paa.
Lesson Learned: Ilayo ang paa sa gulong ngmaski anumang sasakyan at all times.

No comments:

Post a Comment