Tuesday, April 3, 2012

rugby

Isang maulan na gabi. Isang bata ang pumasok sa isang bookstore upang bumili ng rugby.

Sa counter ay iniabot ng batang lalaki ang kanyang bayad, puro barya ito.

Tiningnan ng cashier ang bata. At dahil madungis, payat at malamlam ang mga mata ng bata ay hindi niya ito pinagbentahan.

" Hindi kita pwedeng pagbilhan ng Rugby." Ang wika ni Miss Cashier.

" Pero bakit po? Sapat naman po ang pera ko." Ang nagtatakang wika ng bata.

Sa mga sandaling yun ay iniisip ng Cashier na gagamitin ng bata ang Rugby sa masamang paraan.

Tatawagin na sana niya ang security guard ng biglaang magsalita ang bata.

"Tingnan niyo po ang sapatos ko."

At dahil hindi ito tanaw ni Miss Cashier ay nag effort pa siyang tanawin ito. Nakita ni Cashier ang sapatos ng bata.

Nakangiti na ang magkabilang sapatos at labas na ang mga daliri ng bata.

" Unang araw po ng pasukan bukas gusto ko po sana na pumasok bukas sa eskwela ng nakasapatos. "

2 comments:

  1. Sometimes we should not get our impressions to cloud the reality. Kasi lahat naman tayo nagkakamali.. :)

    ReplyDelete
  2. @ green: Yup, I totally agree : ) Happy holy week!

    ReplyDelete