Sunday, December 9, 2012

birds with the same feather

Meron akong classmate noong third year highschool, masasabi kong siya ang pinakanaging close ko nung third year. Best buddies kami. At that time ay wala akong idea na Tiboli pala siya, noong third year kami ay napansin ko na medyo iba siya pero hindi sumagi sa isip ko na Babae pala ang hanap niya, dahil noong time na iyon ay puro Spice girls at Backstreet boys lang ang hilig namin. Come to think of it hindi ko napansin na wala pala siyang nabangit na crush na lalaki noong highschool kami.
After 14 years ay nagkahanapan kami sa fezbook. Laking gulat ko na Butch na si ate.

Bestfriend ko naman sa college ay babae rin. Aware siya kung ano ako at that time kaya kami nag-click. Samantalang habang nasa college kami ay saksi ako sa mga naging boyfriends niya. Nagkahiwalay kami after college, after several years ay nagkita kami sa isang call center.
Nagulat ako ng sabihin niya sakin na Lesbian na siya, nakilala ko narin personally ang girlfriend niya. Mula sa Femme ay nasa stage na siya ng transition papuntang butch? Matuloy man ang transition niya ay suportado ko parin siya. Para naman sakin ay hindi ko na mararanasan ang ano mang transformation. Ito na ako at yun na yon.

Tunay nga na birds with the same feather flock together.

No comments:

Post a Comment