Sunday, April 24, 2011

good friday

April 22, 2011
Good Friday.

Nagyaya si kaibigang Ron, together with kaibigang Dars.
Sa bahay ni kaibigang Ron kami nag-inuman. It's been quite a
long time since huli ko silang nakainuman at lagi akong kinakantsawan
na pinagtataguan sila.

Habang nagiinuman ay nauwi ang usapan naming tatlo sa mga elementong nakatira sa bahay ni
kaibigang Ron, 8:00 pm na noon madilim na, sa may garahe nila kami umiinom.
Matagal ng kinukwento sakin ni kaibigang Ron ang mga kababalaghan na nangyayari sa
bahay nila, sa laki niyang tao ay hindi naman sumagi sa isip ko na baka natatakot siya.

Ayon sa kaniya ay dalawang elemento ang nagpapakita sa bahay nila;
Isang dalagita nakaputi na may mahabang buhok at
Isang taong itim na pulang pula ang mga mata.

Ilang sa mga pangyayaring Ikinuwento niya:

- Yung boy nila nag pa-punching bag sa basement nila, ilang oras na
nagpapunching bag yung boy ng may biglaang dumaan na babaeng nakaputi sa
harapan niya. Napatakbo ang boy sa biglaang pag sulpot ng babae.

- Kasambahay na Tomboy: Lagi daw binubulabog itong tomboy na ito, laging dinadaganan
habang tulog to the extent na hindi makagalaw at kinakalabit pa lagi ang paa nito habang natutulog.

- Mga bisitang sa bahay nila na nagke-claim na nakakita ng babaeng nakaputi na mahaba ang buhok.

- Two years ago, ay nagreklamo sakin si kaibigan Ron na lagi daw siyang
nagigising ng alas tres ng madaling umaga, hindi daw niya alam kung bakit. Binabangungot rin siya lagi at isa pa sa bangungot na hindi niya makalimutan ay ang pagdagan sa kaniya ng isang maitim na elemento.
"
Ang nasagot ko lang sa tanong niya ay.."Baka may insomia ka? - Ang layo ng sagot ko.

Ngunit ito ang pinakamatindi.

Naginuman sila kasama ang mga opismates. Umihi sa gilid ng house si kaibigang Dars at Reygun.
Sabay nilang nakita ang isang nilalang na nakatayo sa bintana nakadungaw sa kanila. Itim ito at pula ang mga nanlilisik na mata
Dahil doon ay umuwi si Reygun ng wala sa oras, samantalang si Kuhol ay nakikita parin ang elemento sa bintana at tinuturo niya
kay Ron, hindi ito makita ni Ron. Pagupo ni Dars ay nahilo siya at biglaang nalasing maski kaunti palang ang naiinom.

Dahil nakainum na at ingit sa kanila ay sige ang ihi ko sa gilid ng bahay nila kung saan sinasabing nakita ang elemento.
Wala naman akong nakita dahil panay ang tingin ko sa madidilim na sulok ng bakuran nila.

Pagbalik ko sa kinauupuan ko at bigla akong napalingon.
May anino na dumaan sa gilid ng mata ko.
Di ko na sinabi sa kanila baka, namalikmata lang ako.

Could it be that black element or could it be na malakas lang imagination ko?

At dahil gusto kong matakot ay hiniram ko pa ang DVD na the Rite ni Ron, paguwi ko ng alas dose ay pinanood ko pa ito.

Last night ay naginuman kami ng bestfriend kong si Sars, kinuwento ko sa kaniya Yun'
Ayon sa discription ko nung itim na elemento na may pulang mata, Agta daw ang tawag dun at lamang lupa daw yun, nakalimutan ko na kung anong province marami nun. may nabangit siya sa Visayas ata.

7 comments:

  1. Sa tabing bahay nila ron ako nag supersayan dati, good friday rin yun. First time kita nakilala. Lolz.

    Pero wala akong naramdamang kakaiba. Hindi ko alam na may mga elemento sa lugar na yun.

    ReplyDelete
  2. Natakot naman ako bigla. Twice na kasing may kumakalabit sa paa ko kahit wala naman akong kasama. Alam kong mga daliri ang naramdaman ko kasi naramdaman ko ung bigat ng mga daliri. Lurkey!

    ReplyDelete
  3. ako rin dati madalas makakita o makaramdam.

    ReplyDelete
  4. @ mugen: Wow sis' good friday ba yung day nayun'? Hehe diko na masyadong maalala : )

    ReplyDelete
  5. @ Nimmy: Woah! Saan mo na experience yan sis"? Sang lugar?

    ReplyDelete
  6. @ Sean: Wow' ano na nangyari ngayun?

    ReplyDelete
  7. Sa Pangasinan sis. Last week lang nangyari! Once nung Maundy Thursday at ung huli nung Black Saturday!

    ReplyDelete