Tuesday, April 5, 2011

slide

Matagal ko ng pangarap matuto ng Adobe Photoshop, Pero sa ngayon ay plano palang. Kaya naman na master ko ng ang pagamit ng Microsoft Paint, since resourceful naman ako ay namaster ko ang pagamit nito. Eto ang ilan sa mga creations ko gamit ang Microsoft paint:


Inutusan akong bumili ng pagkain ng Lovebirds kahapon. Habang pababa ng hagdanan ay nadulas ako. Kitang kita ni Erpats ang pagdalusdos ko. Buti nalang at hindi ako nabalian ng buto. ( Ang ninipis pa naman ng mga buto ko parang tinik). Ramdam na ramdam ng likod ko ang pagdalusdos, sa nipis ng katawan ko ay para akong plywood na nag-slide. Tanging sugat sa kamay at pasa sa ankle lang ang inabot ko. Sakit. Wala namang masamang nangyari sa Cellphone ko dahil nagawa ko pang hawakan ng mahigpit habang bumubulusok sa hagdanan.

"Madulas siguro ang Tsinelas mo"
-Ang wika ni itay, na tanging saksi sa nangyari.

Pero sa palagay ko ay dahil sa floorwax. Nagfloorwax kasi si Ermats early that morning.

4 comments:

  1. wawa naman.. ingat ingat sa susunod..
    alam mu naman na very brittle ang tulad natin.. char! hehehe

    ReplyDelete
  2. awwwwwwwww. pahinga ka muna. bawal ang mga acrobatic moves sis! hihi

    ang cute ng mga ginawa mo!!!

    ReplyDelete
  3. @ceiboh: OO nga eh, hehe. Thanks. Iingatan ko ng buong puso ang mga tinik koh.

    ReplyDelete