Tuesday, July 19, 2011

candles

Noong isang lingo ay niyaya ko si Bestfriend Sweety ( girl ) sa Recto, Nagpasama ako for some important business na may kinalaman sa isang ngipin kong natangal pagkatapos lumantak ng liempo.

After ng very important business ay napagkasunduan naming dumaan sa Quiapo church. Ang layunin ko noon ay maghanap ng agimat pangontra sa kulam, feeling ko kasi ay kinukulam ako kaya sunod sunod ang kamalasan ko, si sweety naman ay gustong magpahula, ngunit ang parehong layunin namin ay hindi natuloy at nauwi sa pagsisindi ng kandila. Na-sales talk kami nung babae sa halagang 20php ay bibigyan kanya ng makukulay na kandila na nakatali tapos dadasalan mo ito at hihiling ka. Tri-ny namin, wala namang mawawala sa halagang 20 php.

Tinanong ko si bestfriend kung anong wish niya,

"Secret na lang daw para magkatotoo"

"Sige, secret narin lang rin ang sa akin at para magkatotoo rin."

Ano nga ba ang hiniling ko, pagkatapos bangitin ang dasal at sindihan ang kandila.

" Sana po ay gumaling na ako at gumwapo "

Diba honesty is the best policy? Bawal magsunangalin sa Diyos.

Noong isang araw ay nag-crash ang computer ko at bukod pa doon na-virusan ang mp3 player ko, dinala ko sa gawaan ang mp3 player ko pero hindi na ito maayos dahil hindi na maditect ng computer. Hayy sus kelan kaya matatapos ang kamalasan ko.

6 comments:

  1. Haha. Don't worry, isang big blessing ang meaning niyan.

    ReplyDelete
  2. anong uri ng candle ang sinindihan mo?kasi meron yung iba't ibang color tapos bawat color may corresponding part sa buhay tulad ng love,wealth,health etc. :)

    ReplyDelete
  3. Balik ka ulit ng Quiapo sis. Ngayon, yun naman ang i-wish mo pag nagsindi ka ng kandila. :)

    ReplyDelete
  4. @ yeho: yung isang bundle na ibat-iba yung kulay, para sa lahat na daw yun : )

    ReplyDelete