Monday, November 21, 2011

how tired is too tired?

Recently nararamdaman ko na ang matinding pagod, matinding pagod ng puso, lamang loob at kaluluwa, kahahanap kung saan saan ng taong mamahalin ko at magmamahal sakin.Maski imposible ay sinusubukan ko parin maski na alam kong wala naman talaga akong mapapala. Nalaro ko na lahat ng laro ng pag-ibig. Ayoko ng gumawa ng paraan ayoko ng magsugal. gusto ko nalang huminto at hindi na ito hanapin pa habang akoy nabubuhay pa. Marahil tao lang ako, tao na walang control sa sarili at hindi alam ang gusto, bakit ko ba tinotorture ang sarili ko kung pwedeng pwede naman akong manahimik sa isang sulok at dun nalang mamalagi ng tahimik. Iniisip ko rin kung ano ano ba itong mga bagay bagay na nagbibigay sa akin ng false hope. Ayoko ko ng ubusin ang oras ko sa paghithit ng yosi, ayoko ng sunugin ang atay ko sa paglaklak ng alak. Ayoko ng makisalamuha sa mga tao. Gusto ko nalang manahimik sa isang madilim na sulok at maging masaya.

Sa totoo lang pagod na pagod na akong maging restless.

3 comments:

  1. Kung gusto mo maging matahimik, just do so...Kung sawa kana, itigil mo. SImple lang, pero mahirap tuparin. :)

    ReplyDelete
  2. inhale exhale,, don't overthink sa mga bagay na ginagawa mo..

    smile!

    ReplyDelete