Friday, January 11, 2013

kristeta ( good morning )


Sa asar ni Gaston ay naitulak niya ang bangag sa Pixie dust na si Peter. Nauntog si Peter at nakatulog sa hall way.

Naramdaman ni Kristeta ang init ng sinag ng araw at lagatak rin ang pawis niya sa init ng kanyang get up. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Dahil sa matinding hang over
ay nangilala pa ito. Parang iba ang ceiling. Sabay tingin sa paligid. Nakita niya ang mukha ni Gaston na mahimbing ang tulog.
Sa pagkabigla niya ay bigla siyang napa-tayo sa kama. Pag tayo niya hindi niya napansin ang isang used condom sa sahig at nadulas ang babaeng suman.

Blagadag! Nagising si Gaston na pantalon lang suot. Sabay tayo ni Kristeta na nagsisisigaw. Walang hiya ka! Rapist! Maniac! Kriminal!
Malalagot ka sa batas. Tumayo si Gaston upang pa kalmahin ang nagwawalang suman. Grabe ang pag pupumiglas ni Kristeta na mistulang na poposes.
Sa pagwawala ni Kristeta ay nakatapak na naman siya ng used Condom at muling nadulas. Tumayo siya at sisigaw pa ulit. Biglaang pinasakan ni
Gaston ng used medyas ang bunganga ni Kristeta. Sandali Shhhhhh! Kalma ka lang ang wika ni Gaston. I can explain.

Nag explain si Gaston. Bakal ang panty mo at may padlock ito. Kaya imposibleng magalaw kita. Ikaw lang ang nakakaalam ng combination niyan. Remember?

Kumalma si Kristeta. at umupo sa gilid ng kama. Samantalang umupo naman si Gaston sakabilang bahagi.

Bakit mo ako dinala dito? Ano ang pakay mo sa akin. Kung may plano kang perahan ako ay hindi ka magtatagumpay, kunuha na ni Cinderella
ang lahat ng kayamanan naming natitira. Salbaheng bruha yon, Grabe manira huhuhu.

Gaston: Ikaw ang destiny ko nakasulat sa mga fairytale sa national library of keme. Hindi ka man maganda ay sa iyo ko lang naramdaman to.

Kristeta: Fuck That! Everybody knows who you are at salamat sa compliment mo ha it really helps.  Fuck that may National library of keme kapang nalalaman. Hindi na uso yan sa mundo natin. Everybody is messed up! Tanga lang? Hindi ko ipagpapalit friendship namin ni Peter sayo, mawawalan ako ng VIP pass sa bar nya.

Gaston: Hindi ako pumapatol sa bakla.

Kristeta: Fuck that! I need to go home.

Gaston: Teka sandali!

Sabay tayo at walk out ni Kristeta diretso labas sa pinto. Masyadong mabilis ang kilos ni Kristeta upang mapigilan siya ni Gaston.


Blagadaaagdagadaaaag blag blab blogggg!

Sa dilim ay nahulog sa hagdanan si Kristeta. Hindi nabangit ni Gaston na dating Tower ni Rapunzel ang kanyang bagong tinitirhan.

Sa dilim:

Gaston: Okay ka lang? Asan ka? Walang pintuan. Nasa bintana ang hagdanan.

Kristeta: Fuck you ka talaga. Pramis! ( Ang naghihingalong sagot ni Kristeta ).

3 comments:

  1. @ mugen: salamat sa support sis. salamat sa pag-basa : )

    ReplyDelete
  2. Did you know that that you can generate cash by locking selected pages of your blog or website?
    To start you need to join AdWorkMedia and run their Content Locking widget.

    ReplyDelete