Saturday, September 4, 2010

bad bird

Noong bata pa si Totoy Baliko; every summer sila nagbabakasyon nang mag-anak sa probinsiya, Masarap ang klima sa probinsiya, palibhasay nasa gilid nang mababang bangil ang bahay ng kanyang lolo't lola. Ang palikuran noon sa bahay na iyon ay nakahiwalay. Kailangan mo pang-pumunta sa likuran ng bakuran upang dumumi/umihi, yari lang sa tuyong dahon ng coconut at mga kawayan ang palikuran doon, kaya naman, madali kang mabobosohan. Takot si Totoy Baliko mag-punta doon, gawa nang lagi silang tinatakot magpipinsan na may aswang daw. Marahil nagsimula ang pananakot ng aksidenteng ma-shoot ang paa ng pinsan niya sa man-made inidoro. Nangyari ito nang minsan maglaro sila ng taguan.
Isang araw, nagising si Totoy Baliko at taeng-tae na.Gawain niyang tumae sa coconut shell or "Ba-O". Pasikat palang ang araw nun, Takot kasi siya dun sa palikuran, baka kasi pakitaan siya nung aswang. Ugali ni Totoy Baliko na Umebak sa likod ng bahay sa silong (Ilalim ng bahay, yari sa kahoy, kung saan may mga manok, pabo at itik.
Sa sobrang sakit ng tiyan ni Totoy ay dali-dali niyang inilabas ang mala-kremang niyang ebak na
gamit ang "Ba-O". Tuluyan niyang hinubad na ang bahagya niyang naka-babang salawal at itinabi.
Sarap na sarap si Totoy sa pag-gawa ng yema.
Biglaan na lamang may kumalmot sa likod no Totoy Baliko, napasubsob si Totoy sa lupa, explose ang puwet niya sa attacker, na isa palang Tandang na Pabo (Turkey). Walang magawa si totoy baliko kung hindi magtatakbo ng walang salawal sa bakuran habang hinahabol ng pabo.

Hangang ngayon ay, nakatungtong parin sa kubeta si Totoy Baliko pag umi-ebs, Hindi niya feel umupo at isayad sa toilet bowl ang puwet niya. Mas suwabe kasing tumae pag nakatungtong ang paa.. Parang sausage ang labas nito at masarap sa pakiramdam.

9 comments:

  1. naalala ko pinsan ko. dumudumi ng nakataas ang paa sa bowl nung bata kami. ayun dumulas yung isang paa. nagpanick at nastuck sa bowl yung paa. hihihi.

    ReplyDelete
  2. sakit ng tiyan ka sa entry na'to..ang ebak bow! hahaha

    ReplyDelete
  3. bwahahhaa langya ka...pero ung lil bro ko dati ganyan din nakatungtong sa bowl pag umebs ahhaha :p

    ReplyDelete
  4. @ DOC: haha! Awa ng pating di pa naman nangyayari sakin yun'

    ReplyDelete
  5. @ Mugen: Thanks sis'

    @ soltero: Sarap kaya umebs ng ganung pusisiyon. Try mo haha : )

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Naalala ko yugn post sa CR sa building,

    "Sit like a prince, not like a frog"

    bwuahahaha

    ReplyDelete