Saturday, September 1, 2012

chicken soup

Isang araw habang kami ay nanood ng television ng aking ina ay biglaan siyang nagkuwento.

Tungkol ito sa isang sa Isang Nanay at ang kanyang anak na teen-ager na dalagita. Si dalagita daw ay pasaway. Ayaw pumasok sa skul at hilig ang ay ang pagtambay at panlalalake. Lagi rin daw naglalayas ang dalagita at paminsan hindi umuuwi ng ilang araw. At siyempre mabaliw-baliw daw ang ina sa paghahanap at pagaalala.

Hangang isang isang araw ay hinahabol ng ina ang anak. Sa highway naghabulan ang mag-ina.
At sa kahahabol ng Ina sa pasaway na malanding anak na menor de edad ay nabundol ng taxi ang Ina.

Ayun. Commatose daw yung Ina.

Napagisip ko na mabiting anak parin ako kumpara dun sa dalagitang yun. Hindi man ako makapag-contribute sa mga gastusin dito sa bahay sa ngayon ay masasabi ko na yun lang ang masama sa akin when it comes to my relationship with my parents.

Sa maniwala kayot hindi ay hindi ako lumalabas ng bahay nung nag-high school na ako.

No comments:

Post a Comment