Wednesday, September 19, 2012

three

Day One: Umatend ako ng Geb ng isang clan. Dahil lasing na ay hindi ko sinasadya na may maka landian. Inshort MU na kami. Walang nangyari, kiss kiss lang. Pero muntik ng may mangyari sa car niya. Dapat mag-check in kami, pero masyado na kaming pagod at lasing. Muntik pa nga siyang mabanga dahil sa kaantukan.

Day two: Habang active ang communication namin ni number one ay hindi niya alam na nagtungo ako sa P1 kinagabihan. May nakilala akong mag babarkada, Dalawa sa kanila ang nagpakilala sa akin at pareho nilang kinuha ang number ko. Umalis na ang magbabarkada at dalawa nalang kaming natira. Nag-check in kami. MU narin kami.

Day Three: Habang pareho kung pinagsasabay ang dalawa sa txt ay tumawag ang Barkada ni number two. Napapunta tuloy ako ng Maykawayan Bulacan upang mag-overnight at get to know each other. Langhiya nagkaligaw ligaw pa ako. May nangyari. Undetermined kami ni number three, kumbaga unknown ang status.

Day four: Nasa Manila na ako, nagkagulo na si number three at two samantalang si number one walang kaalam alam. Kinagabihan ay inamin ko na kay number one. Okay lang daw sa kanya pero. Pero sabi ko friends nalang that I don't deserve him. The truth is I dont have any feelings for him.

Inamin ko narin kay number two ang lahat. " Yun daw ang choice ko bahala nadaw ako ". We decided to be friends. After ng short pagtatalo via txt ay dinedma ko nalang siya.

Pinili ko si number Three dahil siya ang pina goodlooking at alam niya lahat ng nangyayari. After a day ng communication nag-fade na siya. Hindi na lang siya bigla nagparamdam. In short- di nump nya ako.

While kami ni number one at two nawalan narin ng communication shortly. Dati sinabi ko sa sarili ko na hindi ko ito magagawa, sa desperasyon makahanap ng pag-ibig ay nagmadali ako at naging wild. In the end may nasaktan, nasaktan din ako at naguluhan. Hindi ko na ulit gagawin ito.

This is last December 2011.

Hindi ako nagmamaganda at lalong hindi ako nagbabanal-banalan.

2 comments:

  1. it's not as if you're dating anyone of them. it's just nights of fun. no harm no foul.

    ReplyDelete