Friday, August 24, 2012

ufo journal two

Kapapanood ko ng Ancient Aliens ay nagkaroon ako ng weirdong panaginip sa tanghaling tapat.

Nakasakay daw ako sa isang tricycle. Type ko daw yung driver at kampante naming tinatahak ang kalsada patungo sa bahay namin. Habang nagbibiyahe ay napansin kong lumagpas na kami sa bahay ko at palayo kami ng palayo. Sumisigaw na daw ako ng Para po! Para po! Lumingon siya sa akin at nagulat ako ng nagiba na ang mukha niya na parang may sapi na. Hangang nag snap out siya at nag U-turn na kami pabalik ng bahay.

nang nasa tapat na ng bahay ay namangha kami sa isang Ufo  na naglalaro sa kalangitan. Mistula itong nagkaroon ng engine malfunction dahil sa kakaiba nitong kilos.

Kasunod nito ay ang isang malaking malaking spaceship na palaki ng palaki hangang masakop na nito ang buong kalangitan. Magcracrash ito sa direksyon namin. Pumikit ako. At pagmulat ng mata ko ay tumambad sakin ang bundok bundok na rubble.

That's one very weird dream.

No comments:

Post a Comment